Angeline tinawag na ‘pirated’ at ‘plastic’ ng ilang Reginians
Ilang netizens ang nam-bash kay Angeline Quinto matapos siyang mag-post sa kanyang social media account welcoming Regine Velasquez sa ABS-CBN.
Sey ni Angeline, “Magandang umaga po sa aming Reyna…I love you idol.” Hindi nagustuhan ng ilang fans ng Songbird ang mensahe ng Kapamilya singer, tinawag pa siyang “pirated” at “plastic” ng mga haters.
Sey ng isang netizen, “Lalo ka nang naging tunog pirated pag nanjan na si Miss Regs.” Hindi ito pinalampas ni Angeline, resbak niya, “Mas masarap sa pakiramdam Kiel, na makita mong nasa harapan mo na lahat ng pangarap mo, kesa makagawa ng masama sa kapwa mo. Totoo yan. Sana happy ka na.
Kasi masayang masaya ako.”
Komento naman ng isa pang basher, “Be True. If I know all the singers there in channel 2 are annoyed by the transfer of Regine as she will be given the spotlight and it will be taken from neophytes in the industry like you. Hahahaha! Don’t be plastic, dear. You might cursing her for all we know.”
Ito naman ang sagot ni Angeline, “Hindi naman tayo pareho. Magkaiba naman tayo kung ganyan ang ugali mo hindi naman kami ganyan.
“Saka respeto naman sa post ni Ms. Reg. Dito pa talaga kayo nagse send ng ganyang mga salita. God bless you anyway,” sey pa ni Angeline.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.