Janine rumesbak sa nagsabing edited ang kalendaryo, mataba raw sa personal
INOKRAY ng isang epal na basher ang katawan ni Janine Gutierrez matapos bumandera ang pagiging Calendar Girl 2025 nito para sa isang liquor brand.
Maraming pumuri sa kaseksihan ni Janine sa naglabasang litrato ng naturang kalendaryo kung saan makikita ang pictorial niya suot ang iba’t ibang klase ng 2-piece bikini.
Ibinahagi ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account ang ilan sa kanyang sexy photos na umani ng sandamakmak na papuri at fire emojis.
Pero may isa ngang laiterang netizen na nagsabing grabe naman daw ang pagkaka-edit sa apat na layout ng mga litratong ginamit sa naturang kalendaryo.
Baka Bet Mo: Dyowa ni Bugoy inokray, pati boobs nilait: Hindi mo kailangang magdyowa ng may malaking ‘cocomelon’
Nagkomento ang body shamer na “ang taba” raw ni Janine sa personal kumpara sa mga litrato nito sa kalendaryo.
“Grabe pagkaka edit ah Napakanipis nya sa mga photo nya Pro nung launching ang taba niya po Grabe ang photoshop@asiabreweryofficial,” ang mean comment ng basher.
View this post on Instagram
Nang mabasa ito ng dalaga, talagang sumagot siya at nagpaliwanag kung bakit nadagdagan ang kanyang timbang ngayon.
Ani Janine, October pa siya nag-pictorial para sa naturang kalendaryo at napakarami na raw nangyari simula noon kabilang na ang pag-attend niya ng mga film festival sa ibang bansa at pagdalo sa mga party.
Ito ang dahilan kung bakit hindi na rin niya nasusunod ang kanyang diet.
“I can see how this can be confusing!” simulang paliwanag ng aktres.
“We shot the calendar in october and the launch was in december in those two months, I went to japan for the film festival, attended thanksgiving parties for our show, and really took a break from strict diet and workout.
“I always take it easy during the holidays and enjoy my body in its different shapes, you should too!” dagdag pa ng girlfriend ni Jericho Rosales.
Sa interview ng press kay Janine sa launching ng kanyang kalendaryo, sinabi niyang super excited na siya sa pagpasok ng Bagong Taon.
“I’m so excited! And yun din ang nararamdaman ko, na ang dami ko talagang pinagpapasalamat na nangyari this 2024, and I’m so excited to be opening 2025 with another milestone for me,” sey pa ni Janine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.