Dyowa ni Bugoy inokray, pati boobs nilait: Hindi mo kailangang magdyowa ng may malaking 'cocomelon' | Bandera

Dyowa ni Bugoy inokray, pati boobs nilait: Hindi mo kailangang magdyowa ng may malaking ‘cocomelon’

Ervin Santiago |November 08,2021
facebook
share this

Dyowa ni Bugoy inokray, pati boobs nilait: Hindi mo kailangang magdyowa ng may malaking ‘cocomelon’

Ervin Santiago - November 08, 2021 - 08:31 AM

Bugoy Cariño at EJ Laure

“SUNOG na sunog” sa dating child star na si Bugoy Cariño ang mga laiterang bashers na walang awang inokray ang partner niyang si EJ Laure.

Maraming netizens ang nag-react  sa isang maikling short video na ipinost ni Bugoy sa kanyang TikTok account na kuha sa isang private pool.

Ilan sa mga nakapanood ng video ay nagkomento tungkol sa itsura ni EJ, at karamihan nga sa mga ito ay puro mga hate messages at mean comments laban kay EJ.

Agad namang sinagot ni Bugoy ang mga ito at ipinagtanggol ang nanay ng kanyang anak. Inisa-isa pa niya ang mga malilisyosong panglalait nila kay EJ.

Simulang depensa ng young actor, “MUKHA DAW BAKLA, MUKHANG NANAY, WALA DAW LAMAN PARANG PADER DAW. OK NA YUNG GANYAN KESA NAMAN SA IBANG BABAE NA PURO GANDA AT LAKI NG OSUS LANG LABAN.”

Ipinagdiinan pa niya na hindi na mahalaga ngayon ang itsura ng isang tao dahil mas okay pa ang madiskarte at walang arte sa katawan.

“SA PANAHON NGAYON, HINDI MO KELANGAN MAGJOWA NG MAITSURA O MALAKI COCOMELON, MAS MASARAP MAHALIN UNG MADISKARTE AT HINDI MAARTE, SIYEMPRE LOYAL.

Sa panahon ngayon, hindi mo kailangang nagdyowa ng may itsura at malaking ‘cocomelon’

“AT LEAST SI EJ, MARUNONG SA MGA GAWAING BAHAY, MADISKARTE, HIGIT SA LAHAT LOYAL.

“BAKA UNG MGA NAG COCOMMENTS DYAN UNG MGA NIYO WALANG ALAM SA BUHAY,” ang matapang pang resbak ni Bugoy sa mga haters.

View this post on Instagram

A post shared by Bugoy Cariño (@iambugoycarino03)


Nakilala si Bugoy, 19, sa dating kiddie comedy gag show ng ABS-CBN na “Goin’ Bulilit” at nang maging binatilyo ay kinuhang miyembro ng all-male group na Hashtags na napapanood noon sa “It’s Showtime.”

Si EJ naman, 24, ay dating UAAP volleyball player mula sa University of Sto. Tomas. Five years ang tanda niya kay Bugoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong una ay itinanggi pa nila ang pagkakaroon ng anak, si Scarlet na  two years old na ngayon. Pero nitong 2018 ay inamin na rin nila ang katotohanan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending