Bugoy Cariño opisyal nang ‘mister’ ni EJ Laure, ikinasal sa Tagaytay

PHOTO: Facebook/G Channel Ph Vlogs
IT’S official! Naging mister at misis na ang longtime couple na sina Bugoy Cariño at EJ Laure.
Ang kanilang kasal ay ginanap sa isang simbahan sa Tagaytay noong March 9.
Sa Facebook, una naming nakita ang post ng content creator na si Jeryl Leo Salvador Mabaquiao na isa sa mga dumalo sa wedding day nina Bugoy at EJ.
Makikita sa video ang pagsabi ng pari ng, “You may now kiss the bride,” at ang dalawa nga ay nag-kiss na.
Caption ni Jeryl, “Their first kiss as husband and wife [holding back tears emoji]. Sealed with love [red heart emoji].”
“Congrats again to the newlyweds, Bugoy and EJ!” pagbati niya sa couple, kalakip ang “#onceENNAlifetimeWithBUGOY.”

PHOTO: Screengrab from Facebook/Jeryl Leo Salvador Mabaquiao
Nag-post din mismo si Bugoy ng ilang eksena sa kanyang kasal, partikular na ang wedding march kung saan ay naging emosyonal sila ng kanyang ina nang naglalakad na ang kanyang bride.
“THE WEDDING DAY…,” wika niya sa post.
Sa comment section, inamin ng aktor na sobra siyang kinakabahan during his wedding.
“GRABE KABA KO, SOBRAAAA TALAGAAA!!” sey niya.
Mensahe pa ni Bugoy, “SALAMAT PO SA LAHAT NG NAG COCONGRATSSS!! LABYUUU ALL! [blowing kiss emojis]”
Aniya pa, “GUYS MGA BEHIND THE SCENES LANG PO ITONG PINAKITA KO, HINDI PA ‘YUNG FULL VIDEO [smiling face with hearts emoji].”
Kung matatandaan, dalawang buwan bago ang kasal ay ibinandera ng mag-asawa ang ilang nakakakilig nilang volleyball-themed pre-wedding photos.
Samantala, may isang anak ang dalawa na si Scarlet na ipinakilala sa publiko noong 2020 at after three years ay nag-propose na si Bugoy kay EJ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.