Kristel Fulgar todo handa sa kasal, ipinasilip ang pinagpipiliang wedding gowns

Kristel Fulgar
PATULOY ang pagpapakilig ng actress-vlogger na si Kristel Fulgar at ng kanyang Korean fiancé na si Ha Su Hyuk, lalo na’t todo flex sila sa kanilang wedding preparations!
Kamakailan lang, ipinasilip ni Kristel ang mga pinagpipiliang wedding dresses sa South Korea na ibinandera sa kanyang YouTube vlog.
Habang kasama si Su Hyuk, isa-isa niya itong isinuot upang sukatin.
Ayon kay Kristel, dalawang bridal gowns ang nais niyang isuot –ang isa para sa church ceremony at isa para sa reception.
Baka Bet Mo: Kristel Fulgar ibinandera ang bagong gawang bahay: Nakikita ko na ‘yung mga bagay na naipundar ko
Para sa unang option sa simbahan, suot niya ang short-sleeved gown na may sweetheart neckline at draped bodice.
Bagamat maganda raw ang tela nito, sinabi ni Kristel: “too simple.”
Sunod niyang sinukat ang isang puffy-sleeved dress na may beaded-rhinestone sa may baywang.
“Elegant siya tignan pero hindi ko gusto ‘yung sleeves,” komento niya.
Pangatlong option naman ang floral-patterned na beaded gown.
Perfect sana ito para sa church ceremony, pero aminado si Kristel na “too heavy to wear.”
Para naman sa reception, may tatlong options din ang aktres.
Unang option ay ang off-the-shoulder gown na may v-neckline at pearl-like beads.
Sabi ng aktres, “It looks good on screen but not so much in reality.”
Ang pangalawa, hindi rin niya naging bet na isang off-the-shoulder gown na may sweetheart neckline, intricately embroidered at may floral beading.
Ang huling option ay ang fitted bodice gown na may light-colored beads na siksik ang pagkakakabit sa tela.
“This was my first choice when I searched on their website, but something else caught my eye the most,” sey ni Kristel.
Hindi na niya ibinunyag kung alin sa mga gown ang pinili niya talaga, pero sinabi niyang hindi raw ito kabilang sa mga ipinakita niya sa vlog.
Ayon sa kanya, nasa P50,000 ang nagastos niya sa pagrenta ng parehong gowns.
Mas practical daw ito kaysa magpagawa pa ng customized dress.
“Para sakin kasi hindi ko kailangan i-keep ‘yung wedding dress ko dahil sa sentimental value. Okay, na sakin ‘yung mga picture as a memory sa special day ko,” paliwanag niya.
Kung matatandaan, noong Pebrero lamang nang ibinandera nina Kristel at Su Hyuk ang kanilang engagement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.