Kristel hindi pa pwedeng sagutin ang Korean suitor

Kristel ‘di pa pwedeng sagutin ang Korean suitor: ‘Hindi pa kasi siya INC’

Pauline del Rosario |March 02,2024
facebook
share this

Kristel ‘di pa pwedeng sagutin ang Korean suitor: ‘Hindi pa kasi siya INC’

Pauline del Rosario - March 02, 2024 - 12:50 PM

Kristel 'di pa pwedeng sagutin ang Korean suitor: ‘Hindi pa kasi siya INC’

PHOTO: Instagram/@kristelfulagr

BAKIT nga ba hindi pa sinasagot ng actress-vlogger na si Kristel Fulgar ang Korean suitor na si Ha Su Hyuk?

‘Yan ang inusisa ng GMA News sa naging exclusive interview nila with Kristel.

Aminado ang aktres na gustong-gusto niya ang kanyang manliligaw, pero hindi pa raw niya ito pwedeng maging dyowa dahil ayaw niyang suwayin sa kanyang relihiyon.

Para sa mga hindi masyadong aware, ang content creator ay kaanib ng Iglesia ni Cristo (INC) at isa sa mga tagubilin nito ay hindi pwedeng mag-asawa o makipag-dyowa sa ibang relihiyon.

“Hindi pa siya member ng church ko. Hindi talaga, kasi I need to stick to my beliefs and principles,” sey ni Kristel.

Baka Bet Mo: Kristel Fulgar ipinakilala na sa ina ang Korean suitor, aprub kaya?

Dagdag pa niya, “Kahit pwede ko na sabihin gusto ko talaga ‘yung tao, kasi hindi pa siya member ng church ko kasi INC ako. Kailangan sa church namin same religion.”

Ibinunyag din ng content creator na kaya rin naman niya isinapubliko ang manliligaw dahil inumpisahan na ni Su Hyuk ang pagpapa-convert into INC.

“‘Nung naka-process na siya na mag-convert, doon ako nagkalakas ng loob,” pag-amin niya.

Kamakailan lang, chinika ni Kristel sa nasabing media company kung paano sila nagkakilala ng non-showbiz Korean.

Kwento niya, nireto siya ng common friend nila na isa ring Pinoy.

Ayon pa sa aktres, nagkasundo agad sila ng Korean suitor sa kanilang unang date kaya naman nag-aya raw ulit ‘yung guy na makipagkita ulit hanggang sa nagsunod-sunod na ito.

“Nag-aya siya ng second [time] ng kami lang tapos ang dami na namin na-share sa isa’t isa. As in super click kami kaagad,” chika niya.

Nitong Pebrero lamang nang ipinakilala ni Kristel si Su Hyuk sa publiko sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog, at kasunod naman niyan ay personal din niya itong ipinakilala sa kanyang ina na si Emily.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inamin ng aktres na kinabahan siya dahil ito ang first time na may ipinakilalang “someone” sa kanyang nanay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending