Kristel Fulgar chinika paano na-meet ang Korean suitor

Kristel naniniwala sa ‘destiny’, paano nga ba na-meet ang Korean suitor?

Pauline del Rosario |March 01,2024
facebook
share this

Kristel naniniwala sa ‘destiny’, paano nga ba na-meet ang Korean suitor?

Pauline del Rosario - March 01, 2024 - 09:41 AM

Kristel naniniwala sa 'destiny', paano nga ba na-meet ang Korean suitor?

PHOTO: Instagram/@kristelfulgar

KUNG nasaksihan ninyo ang nakakakilig na bagong lovelife ngayon ng actress at content creator na si Kristel Fulgar, nako baka lalo kayo kiligin sa bago niyang update.

Chinika niya kasi sa GMANetwork.com kung paano niya nakilala ang kanyang Korean suitor na si Ha Su Hyuk!

Kwento niya, nireto siya ng common friend nila na isa ring Pinoy.

“So, alam niya naman na single ako. Tapos kilala din niya ang personality ko. So sabi niya, ‘Baka magustuhan mo itong guy na ito kasi halos same kayo ng personality.’ And parang alam niya seryoso [na] pag nakipag relationship ‘yung guy, seryoso siya, kasi alam niya hindi ako lolokohin or what,” paglalahad ni Kristel.

Ayon sa aktres, nagkasundo agad sila ng Korean suitor sa kanilang unang date kaya naman nag-aya raw ulit ‘yung guy na makipagkita ulit hanggang sa nagsunod-sunod na ito.

Baka Bet Mo: Kristel Fulgar pumirma ng kontrata sa South Korea, pero hindi muna mag-aartista: I’m not prepared guys, so huwag muna mag-expect

“Nag-aya siya ng second [time] ng kami lang tapos ang dami na namin na-share sa isa’t isa. As in super click kami kaagad,” chika niya.

Ani pa niya “Sabi ko nga, ‘Totoo pala yung, ano, destiny’.”

Dagdag niya, “Parang super saktong-sakto lang din talaga yung pagdating niya sa buhay ko, like, hindi siya dumating habang kunwari nag-aaral ako, [o] habang super busy ako sa work. Parang kung kelan sabi ko sarili ko na, ‘Ay ready na ako,’ doon siya dumating.”

Ibinunyag din ni Kristel sa panayam na nakapunta na rito sa ating bansa ang kanyang manliligaw.

“Actually, nagpunta na siya. Kasi nagka-long holiday sa Korea tapos tinake ko na opportunity na iyon para mag-holiday na dito [in the Philippines]. Pero sobrang short lang iyon. Gusto lang din niya talaga na ma-check up ako na parang kamusta,” kwento niya.

Nitong Pebrero lamang nang ipinakilala ni Kristel si Su Hyuk sa publiko sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog, at kasunod naman niyan ay personal din niya itong ipinakilala sa kanyang ina na si Emily.

Inamin ng aktres na kinabahan siya dahil ito ang first time na may ipinakilalang “someone” sa kanyang nanay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sambit niya, “First time ko rin magpakilala ng ‘someone’ na ganito sa nanay ko. Hindi ko rin alam kung paano.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending