Lee You Joo pumanaw sa edad na 35

Lee Yoo Joo pumanaw sa edad na 35

Therese Arceo - February 21, 2025 - 10:40 PM

Lee Yoo Joo pumanaw sa edad na 35

ISANG malungkot na balita na naman ang bumalot sa South Korea matapos ang pagpanaw ng kilalang yoga instructor na si Lee Yoo Joo.

Ang malungkot na balita ay ibinahagi sa pamamagitan ng Instagram post sa Yogaum, ang yoga studio na pagmamay-ari niya nitong Miyerkules, February 19.

Base sa naturang post, sumaabilang buhay si Lee Yoo Joo noong Martes, February 18.

Baka Bet Mo: Sanhi ng pagkamatay ng K-Drama star na si Kim Sae Ron inilabas na

“Teacher Lee Joo passed away yesterday (February 18th).

“According to the wishes of the bereaved families, the funeral and the funeral will not be arranged separately and the space to say the last goodbyes will be held until this Friday at the yogaum run by teacher Yooju.

“Please pray that the soul of teacher Lee Y00-joo, who brightened the world with her special talent, can rest in peace.”

Wala namang binanggit sa naturang post kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng kilalang yoga instructor.

Sa kabila ng kalungkutan at pagluluksa ng mga tagasuporta ni Lee Yoo Joo ay palaisipan sa kanila ang huling naging social media post nito.

Dalawang araw kasi bago ang pagkamatay ng yoga instructor ay nag-post pa ito ng kanyang selfie habang nakasakay sa sasakyan.

“Bye,” maikling caption nito na tila may ibang kahulugan para sa mg tagahanga nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending