Kristel sinagot na ang Korean suitor: ‘Finally, my first boyfriend!’

Kristel sinagot na ang Korean suitor: ‘Finally, my first boyfriend!’

Pauline del Rosario - December 02, 2024 - 10:03 AM

Kristel sinagot na ang Korean suitor: ‘Finally, my first boyfriend!’

PHOTO: Instagram/@kristelfulgar

SA kauna-unahang pagkakataon, “in a relationship” na ang actress-vlogger na si Kristel Fulgar.

Sinagot na niya kasi ang Korean suitor na si Ha Su Hyuk makalipas ang halos isang taong panliligaw!

Ang nakakakilig na balita ay proud na ibinandera ni Kristel sa kanyang YouTube account kamakailan lang.

Ang title pa nga ng kanyang vlog ay, “Finally, my first boyfriend.”

Pero bago ‘yan, mapapanood sa video na bininyagan si Su Hyuk upang opisyal nang maging miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC).

Baka Bet Mo: Kristel inoperahan sa South Korea, itinuring prinsesa ng Korean suitor

Lumipad pa nga papuntang South Korea ang ina ni Kristel upang suportahan ang pag-convert ng dyowa ng aktres.

Pagkatapos niyan ay nagkaroon ng masinsinang pag-uusap sina Kristel at Su Hyuk na kung saan itinanong na ng huli kung pwede na silang maging “official couple.”

Ibinigay muna ng aktres ang kanyang congratulatory gift at pagkatapos ay sinagot na rin niya ang manliligaw.

Kung matatandaan, noong Pebrero lamang ipinakilala ni Kristel ang Korean suitor sa pamamagitan ng kanyang vlog.

Kwento ng aktres, nakilala niya si Si Hyuk matapos ireto ng kanilang common friend na isa ring Pinoy.

Ayon sa kanya, nagkasundo agad sila ng Korean suitor sa kanilang unang date kaya naman nag-aya raw ulit ‘yung guy na makipagkita ulit hanggang sa nagsunod-sunod na ito.

Nauna na ring inamin ni Kristel sa isang interview na gustong-gusto niya ang kanyang manliligaw, pero hindi pa niya ito pwedeng maging dyowa dahil ayaw niyang suwayin ang kanyang relihiyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa mga hindi masyadong aware, ang content creator ay kaanib ng Iglesia ni Cristo (INC) at isa sa mga tagubilin nito ay hindi pwedeng mag-asawa o makipag-dyowa sa ibang relihiyon.

Sey niya, “Kahit pwede ko na sabihin gusto ko talaga ‘yung tao, kasi hindi pa siya member ng church ko kasi INC ako. Kailangan sa church namin same religion.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending