Kristel Fulgar inoperahan sa South Korea

Kristel inoperahan sa South Korea, itinuring prinsesa ng Korean suitor

Pauline del Rosario |March 16,2024
facebook
share this

Kristel inoperahan sa South Korea, itinuring prinsesa ng Korean suitor

Pauline del Rosario - March 16, 2024 - 01:34 PM

Kristel inoperahan sa South Korea, itinuring prinsesa ng Korean suitor

PHOTO: Instagram/@kristelfulgar, screengrab from Youtube/KrisTells Vlogs

IBINANDERA muli ng aktres at vlogger na si Kristel Fulgar ang kilig moments nila ng Korean suitor na si Ha Su Hyuk.

‘Yan ay matapos niyang ibandera sa latest YouTube vlog ang ilang araw bago sumailalim sa surgery.

Hindi pa idinetalye ni Kristel kung ano ang ooperahan sa kanya, pero makikita sa video na sinamahan at binantayan siyang mabuti ng kanyang manliligaw sa ospital.

Pero bago ‘yan, ibinahagi na muna ng aktres ang ilang masasayang moments bago ang operation daty kasama si Su Hyuk, pati na rin ng Pinay niyang kaibigan na si Moy Esguerra.

Sa umpisa ng video, nakasama muna niya ang Korean suitor sa pagsamba at pagkatapos ay  nag-date naman sila sa isang amusement park at nag shabu-shabu.

Baka Bet Mo: Kristel ‘di pa pwedeng sagutin ang Korean suitor: ‘Hindi pa kasi siya INC’

Kasunod niyan ay inimbitahan niya si Moy upang mag-stay sa kanyang apartment ng ilang araw.

Ipinakita niya na tila nag-girl’s night out sila – namasyal sila, nag-food trip at nagsayaw pa sa isang bar.

Matapos ang ilang masasayang araw ni Kristel ay heto na nga at na-confine na siya sa ospital.

Makikita na todo bantay at alaga sa kanya ang Korean suitor.

Si Su Hyuk pa nga mismo ang kumukuha ng video upang maipakita ang ilang mga kaganapan sa aktres.

Isa na riyan ay ‘yung nag-undergo siya sa Magnetic Resonance Imaging (MRI) scanning.

Diyan din nalaman ni Kristel na may allergy siya dahil nagkaroon ang vlogger ng allergic reaction matapos ang nasabing laboratory test.

“It turns out, I am allergic to the medicine they injected me during the MRI. It was kinda weird because I don’t have any food allergies,” caption ni Kristel sa video.

Paliwanag naman ng Korean nurse, “If she’s not allergic to chicken and eggs, it means that there should be no signs of plasticizer allergy. That’s why we took an MRI scan, because we thought she didn’t have an allergy to the formulation.”

“Looking at the body’s reaction, I’m pretty sure that she has allergies,” ani pa niya.

Baka Bet Mo: Kristel Fulgar ‘nagbago’ matapos manirahan sa South Korea: ‘It helped me to be the better version of myself’

Kinabukasan nito ay ang operation day na ni Kristel at ibinunyag niya na ang ooperahan sa kanya ay ang kanyang binti.

Naikuwento rin niya na na-stress siya dahil ipinagtataka niya kung bakit kailangan pa niyang tanggalin ang kanyang panty.

“Malapit na ‘yung surgery time, pero bigla akong na-stress kasi –ganun pala kapag nagse-surgery, walang underwear,” sey niya sa vlog.

Chika niya, “Leg lang naman pero bakit kailangan kong magtanggal ng underwear? Te! Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa operating room. Makikita nila ‘yung katawan ko, ayoko. Wala pang ibang tao ang nakakakita ng katawan ko.”

“Pero seryoso, seryoso ang stress ko ngayon,” giit pa niya.

Mapapanood sa video na biglang dumating ang kanyang Korean suitor at ibinalita sa kanya na nauna na niyang i-check ang operating room ng aktres.

“I checked it already, so don’t worry. It will be okay,” sambit sa kanya ni Su Hyuk.

“I’m scared,” sagot naman sa kanya ni Kristel.

Tugon ng manliligaw, “It’s gonna be fine, everything’s gonna be okay.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago pumasok sa operating room si Kristel, sinabi ng Korean suitor na aantayin niya ang vlogger hanggang sa matapos ang operasyon.

“I’ll be waiting here, see you later,” ani niya sa aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending