Kristel Fulgar ipinakilala na sa ina ang Korean suitor

Kristel Fulgar ipinakilala na sa ina ang Korean suitor, aprub kaya?

Pauline del Rosario |February 19,2024
facebook
share this

Kristel Fulgar ipinakilala na sa ina ang Korean suitor, aprub kaya?

Pauline del Rosario - February 19, 2024 - 04:18 PM

Kristel Fulgar ipinakilala na sa ina ang Korean suitor, aprub kaya?

PHOTO: Screengrab from Instagram/@kristelfulgar

MATAPOS ibandera sa publiko ang manliligaw ngayon ng actress-vlogger na si Kristel Fulgar, ipinakilala na rin niya ito sa kanyang ina na si Emily.

Sa bagong YouTube video, ipinakita ni Kristel na binisita siya ng kanyang mama sa South Korea.

Kasama pa nga ng aktres ang kanyang Korean suitor na si Ha Su Hyuk na sumundo kay mommy Emily sa airport.

Pero bago ‘yan, nagpakilig muna ang soon-to-be couple sa kanilang fans.

Habang inaantay ng dalawa ang pagdating ni mommy Emily ay nag-date muna sila sa Seoul Forest at doon tinanong ni Kristel ang kanyang manliligaw kung ano ang itatawag nito sa kanyang ina.

Baka Bet Mo: Kristel Fulgar ibinandera ang unang TV guesting sa Korea: I just accepted this project just for fun

Tanong ni Kristel, “What will you be calling my mom?”

Birong sagot naman sa kanya ni Su Hyuk, “Mom.”

Tumawa ng malakas ang vlogger at sinabi pa niyang masyadong mabilis ang Koreano.

“That’s too fast! Won’t you be calling her ‘imo’ (auntie)? “We call them ‘auntie’ in the Philippines,” sey ng aktres.

Ayon naman kay Ha Syuk, “In Korea, it’s ‘eomeoni.’ Kristle’s name [then] ‘eomeoni.’ Kristel’s mom is Korean style.”

Bilang magkaiba ang kinalakihan ng dalawa, nagkasundo sila na “tita” ang itawag ng manliligaw kay mommy Emily.

Matapos ang nature walking, nag-date din sila sa isang cafe shop na mayroong iba’t-ibang interactive games na pwedeng paglibangan.

Nako, tiyak marami ang lalong kinilig sa sweet moments ng dalawa habang naglalaro ng Jenga, arm wrestling, at marami pang iba.

Sa bandang huli ng video, inamin ni Kristel na pareho silang kinakabahan dahil ito ang first time na may ipapakilala siyang “someone” sa kanyang nanay.

“Nandito na kami sa airport. Susunduin na namin si mama,” sambit ni Kristel.

Kwento niya, “Sabi niya (ng manliligaw niya), kinakabahan daw siya kasi daw first time niyang mag-meet ng pinakamahalagang tao sa buhay ko. Ang cute lang.”

Chika pa niya, “First time ko rin magpakilala ng ‘someone’ na ganito sa nanay ko. Hindi ko rin alam kung paano.”

Nang papunta na sila kung saan imi-meet si mother ay biglang naitanong ni Kristel ang kanyang suitor: “How are you feeling?”

“I’m so nervous, but I’m okay,” tugon sa kanya ng Koreano.

Pagtitiyak naman ng vlogger, “My mom is nice, so don’t worry.”

Unang nagyakapan ang mag-ina at pagkatapos niyan ay kusa nang lumapit si Su Hyuk kay mommy Emily.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hello! It’s nice meeting you. I’m Ha Su Hyuk,” sey ng binata at sabay nakipag-shake hands sa ina ni Kristel.

Kasunod niyan ay hinatid ng dalawa si mommy Emily kung saan ito mananatili habang nasa Korea at binigyan pa siya ng regalo ng manliligaw ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending