Kristel Fulgar ibinandera ang unang TV guesting sa Korea: I just accepted this project just for fun
HINDI lang pala si boxing legend Manny Pacquiao ang nagkakaroon ng television guestings sa South Korea, dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon din ng Korean TV guesting ang singer-actress na si Kristel Fulgar.
Ibinandera niya mismo sa kanyang latest YouTube video ang naging exciting moment.
Ayon pa kay Kristel, tinanggap niya ang ang proyekto dahil inalukan siya ng kanyang Korean friend na si Joseph Hwang, isang Chief Operating Officer (COO) ng Vaneta Entertainment.
Na-realize din daw ni Kristel na hindi pa rin siya handang magkaroon ng panibagong career sa ibang bansa, pero for now ay ine-enjoy na niya muna ang nagiging experience.
Caption ng aktres sa kanyang YouTube post, “Hi guys! So I just accepted this project just for fun and because it was offered to me by my friend Joseph.
“It was a memorable and fun experience but I don’t think I am fully ready to enter the entertainment industry here in Korea.”
Dagdag pa niya, “I guess I would be needing more time to learn their language and gain some more courage to explore my career in a different country.”
“I appreciate everyone who are very supportive and cheering for me,” sey niya.
Mapapanood sa video na nag-commute lamang si Kristel at ang kanyang kaibigan papunta sa TV network company na “Korea New Network (KNN)” na nasa Busan, South Korea.
Pagdating doon ay kaagad na ipinakilala ang aktres sa mga makakasama niyang anchor.
Nakipagkulitan pa nga ang mga ito habang inaayusan si Kristel sa isang makeup room.
Maraming netizens naman ang tuwang-tuwa sa na-achieve ng singer-actress at narito ang ilan sa mga nakita naming komento.
“Kristel is so lucky to have amazing and reliable friends (happy face emoji)”
“Grbe yung success na ni Kristel ngayon. She’s one of the examples ng mga tao na living their lifelong dream talaga and she truly deserves it. I’m not into filipino celebrities actually, even vloggers. Si Kristel lang talaga finofollow ko kasi walang ka toxic toxic at puro good vibes ang binibigay. Hoping one day she’ll reach more subscribers. She truly deserves it”
“Congratulations Kristel!!! Super Amazing Yung Personality ni Joseph!! I really appreciate how Genuine, Caring, Gentlemen he is.. Grabe amazing the whole you can see how Thoughtful and Confederate and Joyful and Positive. .GRABE ANG SUPPORT SYSTEM NIYA KAY KRISTEL!!!”
Matatandaan noong Nobyembre lamang ay pumirma ang aktres ng kontrata sa entertainment agency na Five Stones Entertainment sa South Korea.
Sa kanyang recent vlog sa YouTube ay ibinahagi ni Kristel ang naging meeting nila ni Jay Han, ang CEO ng nasabing talent agency.
Kuwento ng dalaga, “So I signed with Five Stones Entertainment because for me to have a working visa here in Korea. Kasi kapag kumuha ako ng student visa, they would require me two semesters.”
“Six months ‘yun na mag-aaral ako and ayoko na mag-aral ako ng six months. And then Big Boss (Yohan Kim) is friends with CEO Han and then he asked for favor,” pagpapatuloy ni Kristel na talagang nag-aral pa ng Korean language.
Matapos mag-sign ng contract sa Five Stones, agad ding nakuha ng Kapamilya actress ang kanyang working visa sa South Korea.
Related chika:
Kristel Fulgar ibinandera ang bagong gawang bahay: Nakikita ko na ‘yung mga bagay na naipundar ko
Kristel Fulgar nag-record ng original Korean song para sa bagong web drama: Dream come true!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.