PUMANAW na ang tinaguriang Queen of Philippine Cinema noong 1950’s na si Ms Gloria Romero, Gloria Anne Borrego Galla sa tunay na buhay sa edad na 91 ngayong araw, January 25.
Ang aktres na si Lovely Rivero ang unang nagpost sa kanyang Facebook account na Lovely Rivero 11.
Ang caption sa mga larawan ni Ms Gloria, ““Rest well, our Movie Queen, Tita GLORIA ROMERO. Praying for the repose of your soul & for strength for @chefmgutierrez, Chris & the whole family during this very difficult time. (emoji praying hands).”
Baka Bet Mo: Jillian Ward grabeng magmahal sa fans; gustong tularan si Gloria Romero
Samantala, naglabas na rin ang pamilya ng veteran actress at movie icon ng official statement sa pamamagitan ng social media post ng kanyang anak na si Maritess Gutierrez.
“TO OUR DEAREST FAMILY, RELATIVES, AND FRIENDS: It is with great sadness to announce the passing of my beloved Mother, Gloria Galla Gutierrez aka Gloria Romero, who peacefully joined our Creator earlier today. “In this time of loss, our family deeply appreciates the support, prayers, sympathy, all the lovely messages, and heartfelt condolences that we’ve received. She will surely be missed dearly,” saad ng kanyang nag-iisang anak.
Trending na ang nasabing post ni Lovely na umabot na sa 284 shares at nasa 733 naman ang engagements.
Anyway, matatandaang noong Pebrero 29, 2024 ay binigyan ng post birthday celebration at tribute si Ms Gloria na noo’y edad 90 (December 16, 1933) ng kanyang mga kasamahan sa industriya na ginanap sa Manila Hotel.
Ang nasabing pagtitipon ay inorganisa ng kaibigan at itinurong na kapatid niyang si Ms Daisy Romualdez at successful ang nasabing event dahil dinaluhan ito ng all walks of life na nakilala ni Ms Gloria sa ilang dekada niyang pamamalagi sa industriya.
Nabanggit pa noon ni Ms Daisy na noong nagplano siya ay marami ang natuwa at handang tumulong para sa pagtitipong ito para kay Ms Romero bilang Icon of Philippine movies.
Nakikiramay po kami sa pagpanaw ni Ms Gloria Romero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.