Jillian Ward grabeng magmahal sa fans; idol si Gloria Romero

Jillian Ward grabeng magmahal sa fans; gustong tularan si Gloria Romero

Ervin Santiago - August 13, 2024 - 06:00 AM

Jillian Ward grabeng magmahal sa fans; gustong tularan si Gloria Romero

Jillian Ward

GRABE kung pahalagahan ng Kapuso Daytime Drama Princess na si Jillian Ward ang kanyang mga fans and supporters.

Naniniwala si Jillian na kung hindi dahil sa mga taong walang sawang nagmamahal at sumusuporta sa kanya ay wala rin siya ngayon sa kanyang kinalalagyan sa mundo ng showbiz.

Ayon sa tinaguriang Star of the New Gen, bata pa lang siya ay talagang minahal at pinahalagahan na niya ang kanyang trabaho pati na ang kanyang mga supporters at social media followers.

Baka Bet Mo: Jillian Ward pinuri ni Direk Rico Gutierrez, alagang-alaga sa taping: ‘Ang feeling ko po baby pa rin nila ako’

Kuwento ng dalaga sa panayam sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda, 3 years old pa lang siya ay nahihilig na siya sa aktingan.

Noong bumida siya sa kanyang acting debut series na “Trudis Liit” sa GMA 7, inamin niyang parang naglalaro lamang siya sa taping habang nagtatrabaho at enjoy na enjoy naman siya sa ginagawa niya.

Sey pa ni Jillian, isa raw ang kanyang nanay na si Jennifer Ward ang naging inspirasyon niya sa pagpasok sa showbiz. Ito ang naging daan para abutin ang mga pangarap ng pinakamamahal na ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


“Kasi gusto ko po parang ma-continue ‘yung buhay ng mother ko na hindi niya na-experience kumbaga. Kunwari gusto niya maging doktor parang ang role ko doktor ako,” pahayag ni Jillian.

At siyempre, inspirasyon din niya ni ang kanyang fans, “Actually, ang life goal ko kasi Tito Boy, more than ‘yung achievements is maging parang light sa buhay ng ibang mga tao.

“‘Yung kapag maging magkaibigan kami somehow magiging light ako sa buhay nila na ‘pag may problema sila parang, ‘I’m just here,’ and nag-she-share ako ng good energy sa kanila,” aniya.

Baka Bet Mo: Jillian Ward ibinandera ang bagong sports car, binansagang ‘Kylie Jenner ng Pinas’

Grabe raw ang ligayang nararamdaman niya kapag nakakasama ang kanyang supporters. At talagang tine-treasure niya ang mga natatanggap na regalo mula sa fan, kabilang na riyan ang kinakalawang na ngayong singsing na ibinigay sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang wish ni Jillian, sana raw ay magtagal siya ng mahabang panahon sa entertainment industry tulad ng ultimate idol niyang movie icon na si. Ms. Gloria Romero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending