Jillian OK maging misis sa My Ilonggo Girl pero bawal halikan

Jillian pumayag gumanap na misis sa ‘My Ilonggo Girl’ pero bawal halikan

Ervin Santiago - January 16, 2025 - 06:10 AM

Jillian pumayag gumanap na misis sa 'My Ilonggo Girl' pero bawal halikan

Jillian Ward at Michael Sager

VERY open na ang Star of The New Gen na si Jillian Ward sa pag-tackle sa mas mature at intense na mga role sa mga next projects niya sa GMA 7.

Tulad na nga lang ng latest GMA Prime series niyang “My Ilonggo Girl“, ang agad-agad na follow-up project niya sa katatapos lang ng very successful afternoon drama na “Abot-Kamay Na Pangarap.”

In fairness, more than 2 years tumagal sa GMA Afternoon Prime ang naturang serye kung saan nakasama ni Jillian sina Carmina Villarroel, Richard Yap, Ken Chan at marami pang iba.

Dito naman sa “My Ilonggo Girl” ay makakatambal niya ang newest Kapuso heartthrob na si Michael Sager. Ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho sila ng aktor.

Baka Bet Mo: Jillian Ward kinikilig sa mystery guy: Hindi n’ya alam na gusto ko siya

Sey ni Jillian sa naganap na presscon ng “My Ilonggo Girl” nitong nagdaang January 9, very supportive raw ang GMA sa pag-e-explore niya sa kanyang acting career, tulad ng pagkakaroon niya ng permanent loveteam.

“Ako po kasi, tingin ko, sa 15 years ko na rin sa industriya, I think it’s time na rin talaga na magkaroon ako ng leading man talaga. Ma-explore ko po yung, kumbaga, pagiging leading lady,” ani Jillian.

Sa kuwento ng “MIG”, isa sa dalawang karakter na gagampanan ni Jillian ang magiging asawa ng role ni Michael.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nagulat nga po ako may asawa po ako sa show na ito, so ibang-iba po siya for me. Excited po ako na mag-grow pa. Ito po yung nae-enjoy ko talaga yung ganitong klaseng experience,” sabi ni Jillian.

Wala rin daw siyang reklamo sa mga proyektong ibinibigay sa kanya ng GMA, “Ako po kasi, kung ano po yung ibigay sa akin, tinatanggap ko po talaga. Ginagawa ko po yung best ko bilang isang artista.

“Kasi pagdating naman po sa work field, kumbaga pare-parehas po kami ng goal, which is to create a story, to entertain, and inspire other people.

“Kumbaga, just doing my job din po. Same lang po talaga kami ng goal for taping days na to just create a story din,” paliwanag ni Jillian sa isang panayam.

Pero ang hindi pa raw magagawa ngayon ng dalaga ay ang mga kissing scene. Hindi pa raw siya kumportable sa mga ganitong eksena.

Sariling desisyon daw ito ni Jillian pero hindi naman niya isinasara ang kanyang pintuan sa paggawa ng mga ganu’ng eksena.

“Actually, yung parents ko naman po, super considerate sila sa nararamdaman ko.

“Kunwari may mga ganu’n pong eksena, kissing scene, hindi po sa pinapaalam ko sa kanila, kundi more on mine-make sure nila na, ‘Ikaw, kaya mo ba, gusto mo ba?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yung parents ko po kasi, hindi sila mapilit. Kumbaga, kung gusto ko, e, di gawin ko. Kung ayaw ko, huwag kong gawin,” pahayag pa ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending