Jillian Ward napaiyak nang amining naghiwalay na ang mga magulang
NAGING emosyonal ang Star of The New Gen na si Jillian Ward nang mapag-usapan ang tungkol sa mga pinagdaanan niya sa kanyang personal life.
Ni-reveal ng Kapuso star, na marami siyang hinarap na challenges nitong nagdaang 2024, kabilang na riyan ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang.
Ayon kay Jillian, ito raw ang pinakamatinding hamon ng buhay na ibinigay sa kanya last year dahil napakahirap para sa kanya na tanggapin na hiwalay na ang kanyang parents.
Sa panayam ng “24 Oras”, sinabi ng dalaga na mahigit pa sa pagka-burnout ang naramdaman niya noong mga huling buwan ng 2024 dahil sa nangyari sa kanyang pamilya.
Baka Bet Mo: Jillian Ward 4 na guy ang umaaligid; type magkadyowa ng chinito, moreno
View this post on Instagram
“May time na naririnig ko ‘yung parents ko nag-uusap sila ng madaling araw bago ako mag-taping. Tapos I have to act like hindi ako naririnig ‘yung mga conversations nila,” pahayag ni Jillian.
Dagdag pa niya, “Kaya po kapag pupunta ako ng taping, kaya kong umiyak nang 14 hours a day kasi totoo po ‘yung emotions, ganun.
“Doon ko po nilalabas, kasi sa house hindi ko nilalabas ‘yung iyak ko, ‘yung galit ko,” lahad pa ng aktres.
Ibinandera rin ni Jillian sa publiko kung gaano niya kamahal ang kanyang ina, “Lahat po ng ginagawa ko it’s for her. Well, my dad din and my siblings pero more on my mom. I super love my mama so I hope she’s proud.
“Kasi po when she was growing up hindi niya na-achieve lahat ng gusto niyang ma-achieve, so gusto ko lahat ng hindi niya na-achieve for herself, ia-achieve ko sa sarili ko for her,” ang lumuluha nang pahayag ng aktres.
Muling bibida si Jillian sa upcoming GMA Prime series na “My Ilonggo Girl” kung saan dalawa ang kanyang magiging role katambal ang bagong Kapuso heartthrob na si Michael Sager.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.