Ruru, Jillian, Miguel malakas ang pasabog sa pagpasok ng 2025 sa GMA
MAS magiging exciting ang 2025 ng mga Kapuso viewers all over the world dahil sa sunud-sunod na bonggang pasabog ng GMA Network.
Sa pagpasok ng Bagong Taon, ibinandera na ang mga aabangang programa sa GMA Afternoon Prime at GMA Prime na pagbibidahan ng mga naglalakihang Kapuso stars.
Makikipagbardagulan na sa January 6, ang “Mga Batang Riles” na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon.
Baka Bet Mo: Jillian Ward kinikilig sa mystery guy: Hindi n’ya alam na gusto ko siya
Ngayon pa lang ay super excited na si Miguel na mapanood ang pinaghirapan nilang teleserye na siguradong aabangan at tututukan na naman ng mga Kapuso.
View this post on Instagram
“Usually ganu’n naman, kapag meron kang pinaghirapan, proud kang i-present sa ibang tao, ‘yun ‘yung pakiramdam ko ngayon sa ‘Mga Batang Riles,'” ang pahayag ni Miguel sa panayam ng “24 Oras.”
Bukod dito, abangers na rin ang lahat sa pagbabalik ng Primetime Action Hero na si Ruru Madrid, kasama ang dambuhalang buwaya na si Dakila, sa “Lolong: Bayani ng Bayan”. Magsisimula na rin ito ngayong buwan.
Sabi ni Ruru, “It’s an honor na pagkatiwalaan po ng another franchise, ‘di ba, na season 2 na siya, at muling gawin ‘to.”
Promising at exciting din ang bagong serye ng Kapuso Drama Princess na si Jillian Ward na muling bibida sa light comedy drama series na “My Illongo Girl” na mapapanood na sa January 13.
View this post on Instagram
Magkamukhang-magkamukha ngunit hindi kambal ang gagampanan ni Jillian sa naturang TV series, “Ibang-iba po ‘yung kinalakihan nila, ibang-iba po ‘yung personalities nila, so ‘yun po ‘yung medyo challenging for me kasi sa isang taping day, ang kinukuhanan po, e, dalawang characters.”
“Hindi po siya magkakahiwalay na taping days, kumbaga po, ang gagawin, habang nagsu-shoot po, magka-cut tapos magpapalit po talaga ako ng itsura ko,” aniya pa.
Ilan pa sa dapat abangan ngayong 2025 sa GMA ay ang “Prinsesa Ng City Jail” starring Sofia Pablo, Allen Ansay, Dominic Ochoa, Denise Laurel and Beauty Gonzalez.
View this post on Instagram
Nandiyan din ang “Mommy Dearest” nina Camille Prats, Shayne Sava at Katrina Halili; “Binibining Marikit” ni Herlene Budol kasama sina Pokwang, Tony Labrusca at Kevin Dasom.
Hahataw din sa Afternoon Prime ang “Cruz vs. Cruz,” “A Mother’s Tale,” at “My Stepmother, My Best Friend.” At siyempre ang inaabangan na ng buong sambayanang Pilipino na “Encantadia Chronicles: Sang’gre” sa GMA Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.