Ysabel na-shock nang mag-'I love you' sa kanya si Miguel

Ysabel Ortega na-shock nang mag-‘I love you’ sa kanya si Miguel Tanfelix

Ervin Santiago |January 23,2024
facebook
share this

Ysabel Ortega na-shock nang mag-‘I love you’ sa kanya si Miguel Tanfelix

Ervin Santiago - January 23, 2024 - 06:20 AM

Ysabel Ortega na-shock nang mag-'I love you' sa kanya si Miguel Tanfelix

Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix

PINAKILIG ni Miguel Tanfelix ang mga fans sa naging birthday message niya para sa kanyang ka-loveteam na si Ysabel Ortega.

Nagkaroon ng advance birthday celebration si Ysabel sa “All-Out Sundays” ng GMA 7 at nahingan nga si Miguel ng mensahe para sa dalaga.

Sa darating na January 25 ang eksaktong 25th birthday ni Ysabel pero sinorpresa na siya ng mga kasamahan sa Sunday musical-variety show ng Kapuso Network.

Todo hataw si Ysabel sa kanyang special performance kung saan kumanta siya ng “Stronger” ni Britney Spears at humataw sa pagsayaw ng “Oops!… I Did It Again” kasama ang kapwa Kapuso star na si Kate Valdez.

Baka Bet Mo: Miguel sa bagong leading lady: Exciting para sa akin ang loveteam na ‘to kasi si Ysabel ang kasama ko

At pagkatapos ngang humataw on stage, isa-isa siyang binati ng mga kasamahan niya sa “AOS” kabilang na sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Mark Bautista, at siyempre si Miguel Tanfelix.

Short but sweet and punumpuno ng kilig ang naging mensahe ni Miguel kay Ysabel. Aniya, “Siguro unang-una batiin lang kita ng Happy Birthday.

“Pangalawa, gusto kong sabihin na I’m proud of you kasi you’ve come a long way.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_)


“Pangatlo, gusto kong mag-thank you sa lahat ng binibigay mo sa akin, pinaparamdam mo sa akin, sa family ko. Pang-apat, I love you,” pahayag pa ni Miguel sa ka-loveteam.

Ang natatawa namang reaksyon ni Ysabel sa mga pahayag ni Miguel, “Nagulat ako du’n, ah!”

Baka Bet Mo: Miguel Tanfelix umamin na kay Ysabel Ortega: Yung mga traits na hinahanap ko sa babae, nakikita ko sa kanya

Super tili naman si Julie Anne sa pakilig ni Miguel, “Wait lang ha! Alam mo first time kong narinig ‘yon.

“Alam mo ang tagal ko ng kaibigan si Miguel at saka si Ysabel pero first time ko lang na narinig ‘yon. Grabe naman ‘yung ‘I love you!'” panunukso ng singer-actress.

Samantala, binati rin si Ysabel ng kanyang inang si Michelle Ortega at stepdad na si Ret. Gen. Gregorio Pimentel.

“Anak happy happy birthday. Ikaw ang buhay ni mama, you are everything to me,” ang mensahe ng nanay ni Ysabel na dati ring aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Si Daddy Greg ay suporta 100 percent sa ‘yo. You are there on the way to the summit of your success. Your mom and Daddy Greg really love you very much,” ang message naman ng kanyang tatay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending