Miguel Tanfelix iniyakan breakup kay Barbie Forteza, pero move-on agad

Miguel Tanfelix at Barbie Forteza
NARANASAN ng Kapuso actor at lead star ng seryeng “Mga Batang Riles” na si Miguel Tanfelix ang kanyang first heartbreak sa edad na katorse.
Tandang-tanda pa rin ng kanyang nanay na si Mommy Grace yung araw na nakita niyang broken-hearted ang anak matapos silang maghiwalay ng kanyang unang girlfriend.
Natatawang binalikan ito ni Mommy Grace na sikat na rin ngayon dahil sa kanyang mga viral video sa TikTok sa initerview sa kanila ni Miguel ni Toni Gonzaga para sa YouTube channel nito.
Sinabi ni Mommy Grace na bata pa lamang ang anak ay talagang close na close na sila at lahat daw ay sinasabi at ipinagtatapat sa kanya ni Miguel.
Bukas din ang Kapuso star sa kanyang nanay about his personal life kabilang na ang usaping lovelife. Pambubuking ni Mommy Grace sa anak, “Lover boy, mapagmahal lang talaga to.
View this post on Instagram
“Though lahat naman ng naging girlfriend niya naging okay sa akin, kasi mababait naman silang lahat.
“Basta sa akin, kung sino naman ang gusto ng anak ko, gusto ko rin naman. Basta may limitation.
“Halimbawa, bawal gumimik nang sobrang gabing-gabi na, magpapaalam, mag-a-update kung nasaan ka, kung sino kasama mo.
“Hindi naman ako strict. Puwede naman siyang mag-girlfriend. Basta [ang advice ko] mag-enjoy lang kayo, gawin niyong inspiration yung isa’t isa,” chika ng nanay ni Miguel.
Kasunod nito ay naikuwento nga ni Mommy Grace ang unang pagkabigo ng anak sa pag-ibig sa edad na 14. Ito ay nang magkahiwalay sina Miguel at ang kapwa niya Kapuso star na si Barbie Forteza.
“Hay naku, natatawa ako noong unang heartbreak niya…ah, si Barbie Forteza pala. Batang-bata pa talaga siya noon.
“Naalala ko nagkasalubong kami sa hagdan, sabi niya, ‘Mommy, nag-break na kami.’ Umiiyak siya. Natatawa ako, ikinuwento ko nga agad sa mother ko, sa biyenan ko,” pambubuking ni Mommy Grace kay Miguel.
View this post on Instagram
Tanong sa kanya ni Toni, “Ano yung sinabi mo nung nakita mong umiyak na yung anak mo?”
Natatawang tugon ni Mommy Grace, “Wala, ang sabi ko, ‘Ah talaga…Awww’ gumanu’n lang ako. Parang hindi naman kasi seryosohan, e. Kasi pagkatapos niya umiyak, naglalaro na siya ulit.”
Kung matatandaan, sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong February 9, 2023, first time inamin ni Miguel in public na naging magdyowa sila ni Barbie.
Bukod kay Barbie, naging dyowa rin ni Miguel sina Bianca Umali at Kyline Alcantara. Sa ngayon ay “exclusively dating” si Miguel at ka-loveteam niyang si Ysabel Ortega.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.