David may inamin tungkol kay Barbie; pinuri sa bagong movie

David may inamin tungkol kay Barbie; pinuri sa Samahan ng mga Makasalanan

Ervin Santiago - April 15, 2025 - 12:55 AM

David may inamin tungkol kay Barbie; pinuri sa Samahan ng mga Makasalanan

David Licauco, Chavit Singson, Joel Torre at ang buong cast ng ‘Samahan ng mga Makasalanan’

WALA pa ring namamagitang “something” serious sa pagitan ng Kapuso loveteam na sina Barbie Forteza at David Licauco.

Diretsahang sinabi ng Pambansang Ginoo na hindi niya girlfriend at wala pang ligawang nagaganap sa pagitan nila ni Barbie kahit na super close na sila ngayon.

Pero ayon kay David, handa na rin naman siyang magkaroon ng girlfriend ngayon at magmahal uli matapos silang maghiwalay noon ng kanyang non-showbiz partner.

Sa panayam sa kanya ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”, inisa-isa rin ng aktor ang mga katangiang gusto niya sa isang babae na maaaring makakuha ng kanyang puso.

“Gusto ko po ‘yung caring, smart, someone who is self-aware, someone who has dreams and goals, and someone who will support and accept my job, myself and personality.

“Mahilig po ako sa chinita na hindi masyado chinita,” sey ng lead star ng pinakabagong pelikula ng GMA Pictures na “Samahan ng mga Makasalanan.”

Sabi pa ni David sa babaeng liligawan niya, “Kung nais mo akong utusan na ipagsibak kayo ng kahoy, o ipag-igib kayo ng tubig sa batis o balon, gagawin ko ‘yun.

“Gusto ko ‘yung ganu’n ‘yung binibigay sa babae lahat. Ipapakita mo ‘yung love mo,” saad pa ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)


Mariing pinabulaanan ni David na siya ang dahilan ng breakup nina Barbie at Jak Roberto, “We never texted before ni Barbie nu’ng sila ni Jak. Never kaming nag-usap ng anything personal. Kapag nasa trabaho lang nag-usap.

“We’re really good friends po,” ang sabi pa ng binata.

Pero posible nga bang mauwi sa ligawan at relasyon ang tambalan nila ni Barbie? “I think I’m the type of person who does not force anything. I mean, who knows? I’m not closing my doors.

“And of course, si Barbie rin po ay kakagaling lang sa relationship. I think nasa stage po siya ng life niya na you know, she is focusing on herself. Same with me. I think it’s better to really focus on ourselves.”

Samantala,, showing na ang “Samahan ng mga Makasalanan” sa mga sinehan nationwide sa darating na April 19, Sabado de Glorya.

Dito, gaganap si David bilang isang batang pari na madedestino sa isang lugar kung saan halos lahat ng residente ay mga kriminal. Masusubok ang pananampalataya niya sa hangaring manage ang mga makasalanan.

Ayon kay David, napapanahon ang pagpapalabas ng kanilang movie para sa Holy Week, “Super timely niya, dahil yung concept ng pelikulang ito ay it centers around God.

“It’s about change, pagbabago sa buhay, na kung nagkaroon ka ng kasalanan dati, it doesn’t mean na hindi ka puwedeng magbago,” ani David.

Ka-join din sa cast ng “Samahan ng mga Makasalanan” sina Joel Torre, Sanya Lopez, Chariz Solomon, Betong Sumaya, Buboy Villar, Chanty Videla, Jun Sabayton at ang award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.

In fairness, napanood na namin ang movie sa naganap na premiere night nito sa Gateway 1 Cineplex at sigurado kaming marami kayong mapupulot na aral sa kuwento kahit na medyo may pagka-comedy ito.

Matapang naming sasabihin na nabigyan ni David ng hustisya ang role ng isang pari na hinamon ng Panginoon na dalhin sa tama at tuwid na landas ang mga makasalanan.

Happy and fun din ang pelikula, at hindi siya preachy tulad ng iniisip ng iba. Sinisiguro namin na lalabas kayo ng sinehan na nakatawa at maluwag na maluwag ang dibdib.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya watch na ng “Samahan ng mga Makasalanan” sa April 19 sa lahat ng cinemas sa buong Pilipinas. This is directed by Benedict Mique, ang siya ring naghatid sa atin ng Lolo and the Kid.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending