Miguel Tanfelix sa kasikatan ng ina: Si Mommy na hinahanap, hindi na ‘ko!

Miguel Tanfelix at Grace Tanfelix
PROUD na proud ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix sa tinatamasang kasikatan ngayon ng kanyang nanay na si Grace Tanfelix.
Hindi raw in-expect ng binata na magba-viral at magte-trending ang mga cooking video ng ina na sinimulan nila noon pang kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
“Ako hindi ko talaga in-expect kasi dati nu’ng sinimulan po namin ng pandemic, parang wala lang, parang katuwaan lang,” ang pahayag ni Miguel sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”
“Tapos nag-hit ‘yung kaldereta and then ‘yung pinaka-recent ‘yung naging trending ‘yung ‘Okay na ‘to.’ Du’n talaga parang nag-skyrocket. Minsan nga si Mommy na hinahanap, di na ako, eh!” ang natatawang sey pa ng “Mga Batang Riles” lead star.
Pagpapatuloy pa ni Miguel, “Idea po ni mommy magluto-luto tapos may skit-skit kami dati. Pero’ yung idea na puro ASMR (Autonomous Sensory Meridian Response) lang ‘yung kukunan, idea na po ni mommy ‘yun.”
Natanong din ni Tito Boy si Miguel kung hindi ba siya natatakot para sa kanyang nanay na baka sa kasikatan nito ay makaranas din ito ng pamba-bash at pangnenega sa social media.
View this post on Instagram
“Hindi naman masyado. Nu’ng una may hesitations kasi parang gusto ko hiwalay palagi ‘yung career sa personal life, pero kung ‘yun naman nagpapasaya kay mommy and nakakatulong din sa career niya, then why not?” sagot ni Miguel.
Samantala, inamin naman ni Grace na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa success ng kanyang mga viral cooking videos, lalo pa’t bukambibig na rin ngayon ng mga tao ang pinauso niyang “Okay na ‘to!”
“Hindi ko rin po in-expect ‘yun kasi ‘yun din naman po sinasabi ko every time na matatapos ako magluto. ‘Yun talaga sinasabi ko, eh (closing spiel).
“So sabi ko why not gamitin ko ito since hindi ako nagsasalita (sa video),” aniya pa.
Ibinalita rin ni Grace na pinaplano na nila ngayon ni Miguel ang magtayo ng sariling business inspired by her cooking content.
“Sobrang proud po siya sa leche flan ko and gusto niyang i-share po sa ibang tao and marami rin po akong followers na gusto nilang matikman ‘yung aking leche flan,” sabi ni Grace.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.