Miguel Tanfelix nilaglag ni Mommy Grace: Kuripot talaga siya!

Miguel Tanfelix nilaglag ni Mommy Grace: Kuripot talaga siya!

Ervin Santiago - March 11, 2025 - 07:05 AM

Miguel Tanfelix nilaglag ni Mommy Grace: Kuripot talaga siya!

Miguel Tanfelix at Mommy Grace

“NILAGLAG” ng sarili niyang ina ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix nang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang finances.

In fairness, siguradong rich na rich na ngayon ang binata dahil bata pa lang siya ay nagtatrabaho na siya bilang aktor sa mundo ng showbiz.

Ang kanyang nanay na si Mommy Grace ang humahawak ng lahat ng kanyang kinikita mula noong magsimula siyang mag-artista at lahat daw yun ay inilalagay nila sa bangko.

Ngayong 21 years old na ang binata, ay ibinigay na ni Mommy Grace sa kanya ang kanyang savings para siya na ang personal na mag-manage nito.

Ayon kay Miguel, kahit ipinagkatiwala na sa kanya ng ina ang pagdedesisyon kung paano gagastusin at ise-save ang kanyang pera, hindi raw niya ito ginagastos kung saan-saan.

“Mas madali pong gumastos sa akin para sa ibang tao. Kunwari, support sa bahay, may papabayaran, okay go,” ang pahayag ni Miguel sa panayam sa kanila ni Mommy Grace sa “Toni Talks” YouTube channel ni Toni Gonzaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_)


Pagbabahagi pa ni Miguel, “Pero kapag sa sarili ko, alam mo ‘yung hawak ko na, ibabalik ko pa, ‘Next time na lang,'” ang chika pa ng lead star ng Kapuso primetime series na “Mga Batang Riles.”

Pinagsabihan naman daw ni Mommy Grace si Miguel na huwag basta-basta gagastos nu’ng i-turn over na niya sa anak ang bank account nito.

“E, ito, magali ring humawak ng pera. Hindi siya medyo, kuripot talaga ‘to, pero okay naman ‘yun. Ganu’n naman, e, kapag ‘yung pinaghirapan mo, ang hirap gastusin,” sey ni Mommy Grace na isa na ring certified viral social media personality

Napapanood pa rin si Miguel gabi-gabi bilang si Kidlat sa “Mga Batang Riles” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending