Miguel sa bagong leading lady: Exciting para sa akin ang loveteam na ‘to kasi si Ysabel ang kasama ko
NGAYON pa lang ay abangers na nang bonggang-bongga ang mga fans nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa nalalapit na pagsisimula ng kanilang unang teleserye sa GMA, ang “What We Could Be.”
Bago nga sila mapanood sa live-action adaptation ng hit classic Japanese animé series na “Voltes V: Legacy” pakikiligin muna kayo ng bagong Kapuso loveteam.
Sa nakaraang virtual mediacon ng “What We Could Be”, natanong si Miguel kung ang feeling na agsisimula na naman siya ng bagong loveteam. Matatandaang una siyang itinambal ng GMA kay Bianca Umali.
“Well, unang-una, exciting para sa akin ang makatrabaho palagi ang bagong artista. Kasi, unang-una, marami akong matututunan sa kanila. Marami akong makikilalang bagong kaibigan.
“So, never kong nakita na ‘loveteam na naman’ or parang ayoko nang ma-loveteam. Feeling ko, magkaiba kasi ang loveteam namin ni Ysabel. Kasi, nag-start naman kami na kanya-kanya kaming career.
View this post on Instagram
“So, loveteam kami, pero may kanya-kanya kaming career. Yun ang ipinagkaiba. And yun ang gusto ko sa loveteam na ‘to. Hindi siya stereotype na loveteam na isa lang ang karerang pinupuntahan niyo,” pahayag ni Miguel.
Paliwanag pa niya, “Meron kayong path para sa loveteam niyo and meron din kayong path individually. So, overall, exciting para sa akin ang loveteam na ‘to. Kasi, si Ysabel ang kasama ko.
“Palagay na ang loob ko sa kanya, comfortable na ako sa kanya. Gamay ko na siya, gamay na namin ang isa’t isa. Saka very open kami. Kapag may gusto kaming gawin, pinag-uusapan namin.
“Very mature ang pag-uusap namin sa career namin. And we make sure na hiwalay ang career sa personal life,” sabi ng binata.
Inamin din ng binata na super excited na raw siya para kay Ysabel dahil bidang-bida na nga ito “What We Could Be” na una ring collaboration ng GMA at Quantum Films, “Kasi nga po, bukod sa ito ang first lead role niya, kumbaga ito ang launch niya sa GMA.
“Yung tiwala ko po kay Ysabel, hindi po nawala ‘yan. Ever since na magkakilala kami, nagka-work kami sa Voltes V, nakakita ko ng malaking potential sa kanya.
“And hindi lang yung talent, yung pagiging mapagkumbaba niya. Isa po yun sa hinahanap kong traits kapag nakita ko po sa tao. Na kahit gaano sila kasikat, alam kong magiging humble pa rin po sila. Naniniwala po ako sa talent ni Ysabel, sa kakayahan niya,” sey ni Miguel.
Chika pa ni Miguel, “Kapag nakakatanggap naman po ako ng bagong show, never nawawala ang excitement ko. Kumbaga, ibang-iba talaga ‘to sa Voltes V. Ang Voltes V, sci-fi, action. Hindi naka-focus sa love story yun.
“And noong malaman namin ni Ysabel na kami ang magkakasama for this show, na-excite kami, kasi mae-explore namin ang aspect ng pagiging love team naming dalawa.
“Na hindi namin masyadong nae-explore sa Voltes V. Kasi, naka-focus yun sa ibang story like family, war. So, ito, na-excite kami noong malaman namin kasi mag-a-adjust kami,” sey pa ng Kapuso matinee idol.
https://bandera.inquirer.net/281877/miguel-tanfelix-sa-pagiging-leader-ng-voltes-v-sobrang-nape-pressure-ako
https://bandera.inquirer.net/322163/miguel-tanfelix-umamin-na-kay-ysabel-ortega-yung-mga-traits-na-hinahanap-ko-sa-babae-nakikita-ko-sa-kanya
https://bandera.inquirer.net/322245/yasser-marta-game-na-game-sa-paghuhubad-wala-naman-akong-dapat-ikahiya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.