Jillian Ward 4 na guy ang umaaligid; type magkadyowa ng chinito, moreno
CHINITO at moreno ang ilan sa mga physical qualities na hinahanap sa isang lalaki ng Kapuso Star of The New Gen na si Jillian Ward.
Kaya naman marami ang humuhula na baka raw ang kapwa niya Kapuso at Sparkle star na si Micheal Sager ang lalaking kanyang tinutukoy na swak na swap sa kanyang taste.
Sa muling pagbisita ni Jillian sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan ay natanong siya kung chinito ba o moreno ang tipo niya sa isang guy.
Sagot ng “My Ilonggo Girl” lead star, “Chinito-moreno. Always.” Kasunod nito, diretsahan na siyang tinanong ng King of Talk.
“Moreno-chinito. Maraming nagsasabi, ‘Si Michael Sager ba ang tinutukoy ni Jillian?'” hirit na tanong ni Tito Boy.
Baka Bet Mo: Jillian Ward ibinandera ang bonggang sasakyan; tinawag na next ‘Marian Rivera’
“Actually, ang dami pong nag-iisip na siya. Pero masasabi ko po ang tinutukoy kong crush na ito, actually hindi siya ganu’n kamoreno, hindi ko na-clear ‘yun.
“And naka-work ko ‘yung crush kong ito sa Abot-Kamay Na Pangarap,” esplika ni Jillian. Pero talagang hindi siya napilit ni Tito Boy na pangalanan ang naturang aktor.
View this post on Instagram
Sey ni Jillian, “Nabulong ko kasi kay Tito Boy!” Nag-promise naman ang TV host na never niyang ilalantad ang identity ng naturang chinito-moreno actor.
Sey pa ni Jillian sa “Fast Talk” segment, hindi raw siya yung tipo ng babae na namamansin sa kanyang crush. Pero inamin niya na apat na guys na nagpaparamdam ngayon sa kanya.
Samantala, dalawang karakter ang gagampanan ni Jillian sa upcoming GMA Prime series na “My Ilonggo Girl”, yan ay sina Venice Hermoso, isang sikat na internet personality, at pretty Ilongga na si Roberta “Tata” Magbanua.
Mapanonood na ang “My Ilonggo Girl” sa January 13, 9:35 p.m. sa GMA Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.