James Yap nagsalita na sa isyung bading ang anak na si Bimby | Bandera

James Yap nagsalita na sa isyung bading ang anak na si Bimby

Reggee Bonoan |May 01,2021
facebook
share this

James Yap nagsalita na sa isyung bading ang anak na si Bimby

Reggee Bonoan - May 01, 2021 - 04:00 PM

Ilang beses nang ipinagtatanggol ni Kris Aquino sa bashers ang bunsong anak na si James Carlos Aquino Yap, Jr. o Bimby dahil pinagdududahang bading ito pero hindi pa rin tumitigil ang iba.

Kaya sa Q & A ng mag-inang Kris at Bimb na pinost ng huli sa kanyang social media account ay natanong ng ina kung ano ang nararamdaman ng anak kapag sinasabing gay siya. Diretsong namang sinagot ito ng binatilyo na wala siyang pakialam kung ano ang iniisip tungkol sa kanya. Kilala niya ang sarili niya at alam niya kung ano ang gusto niya.

May nabasa kaming hinahanap kung nasaan ang papa ni Bimby na si James Yap sa pagkakataong inaatake ang anak niya? Bakit hindi niya ipinagtatanggol si Bimby.

Akala lang natin ay tahimik si James kasi nga hindi naman ito mahilig magpa-interview at marahi wala rin namang taga-media nagtatanong sa kanya maliban sa kaibigan niyang si Dolly Ann Carvajal at dito namin nalaman ang saloobin ng papa ni Bimb.

Nasa kolum ni Dolly Ann sa Inquirer ang takbo ng usapan nila ni James na bago niya ito inilabas ay humingi muna siya ng permiso at pumayag naman ang basketbolista.

Ayon kay Dolly, “I’m a Manila girl, but an Ilongga at heart. So I enjoy chatting in Hiligaynon with my Ilonggo friends, like James Yap.

“In one of our convos, I asked him how he feels that some netizens are insisting that Bimby, his son with Kris Aquino, is gay. With James’ permission, I am printing his reply almost verbatim:

“Miga, tahimik lang ako gani parte sa issue na agi kuno si Bimby kay kabalo ko indi man guid siya agi. Dili ako gapati sa kucho-kucho. (I’ve been quiet about the issue that Bimby is supposedly gay. Because I know for sure that he is not gay. I don’t believe in gossip.) “I was with Bimby till he turned 7, that’s why I know he’s a real boy. Because even when a kid is still young, it’s already obvious if he’s gay.

“Naintindihan ko si Kris. S’yempre, sa iya nagdako si Bimby kaya nag react guid siya sa isyu. (I understand Kris. Bimby grew up with her, so of course she reacted to the issue.).

“Since I have a gay son, IC Mendoza, I get ‘migo’ James’ drift. Long before IC ‘came out’ to me, I already knew he was gay. That’s what a parent’s gut feeling can do.”

Hayan, sa mga nagtatanong kung nasaan ang papa ni Bimby, hayan nagsalita na tungkol sa anak niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending