Katawan ni Bimby bato-bato dahil sa workout: Want to see my abs?

Bimby bato-bato ang katawan dahil sa workout: Want to see my abs?

Ervin Santiago - July 29, 2024 - 12:20 AM

Bimby bato-bato ang katawan dahil sa workout: Want to see my abs?

Kris Aquino at Bimby

NA-EXCITE kami para sa bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby matapos mabasa ang latest Facebook post ni Kuya Dindo Balares.

Alam naman siguro ng lahat na isa si Kuya Dindo, dating entertainment editor, sa mga taong malalapit sa Queen of All Media na pinagkakatiwalaan din nito ng kanyang mga sikreto.

Sa bagong post ni Kuya Dindo ay may patikim siya tungkol sa inaabangang pagsabak ni Bimby sa mundo ng showbiz pero wala naman siyang nabanggit kung kailan talaga ito mangyayari.

Baka Bet Mo: Diego shookt sa gastos para sa 1st birthday ng anak: Higit pa sa debut!

Feeling namin, totoong-totoo ang sinabi ng malapit na kaibigan ni Kris na ready nang pumasok si Bimby sa mundong pinagreynahan noon ng tinaguriang Queen of All Media.


Narito ang kabuuang FB post ni Kuya Dindo about Kris’ youngest son.

“Playful pa rin si Bimby.

“Para sa aming reunion two Sundays ago, dumating kami ni Wifey sa Times Street house na wala sila ni Kuya Josh. Sinipon si Bimb kaya nagpa-check-up siya sa kanilang doctor, na malapit lang din ang bahay. Kaya naglakad lang sila.

“Ang Yaya Yolly ni PNoy ang nag-estima sa amin. Siyempre masayang-malungkot ang kuwentuhan.

“Itinanong ko ang olive tree na iniregalo ni Krisy kay PNoy noong panahong inaayos ni Kris ang kanilang mga tampuhan.

“Peace offering, at ayaw ni Kris na basta-basta bulaklak lang. Gusto niya, mas symbolic at meaningful. Wala na nga namang hihigit pa sa olive. Sa ibang bansa pa iyon ipinabili ni Kris.

“So glad na buhay pa ang puno!” ang unang bahagi ng kanyang FB status.

Pagpapatuloy pa ng dating entertainment editor, “Kung hindi ko hinanap, sabi ni Yaya Yolly, hindi niya malalaman na may kuwento pala sa likod ng olive tree.

Baka Bet Mo: Kris sa resulta ng huling check-up: There’s a problem with my heart…

“Naging 100% na masaya ang usapan pagdating ng two giants. Kasi pagkatapos yumakap, nakakahawa ang happy disposition ni Bimb. Ang tanong agad sa amin ni Wifey:

“‘You want to see my abs?’ sabay taas ng kanyang shirt. ‘Or flabs?’

“Absolutely, abs!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“Flat ang tummy ni Bimb. Walang unwanted fats o flabs. Halatang sculptured ng madalas na pagwo-workout. At bato-bato ang katawan.

“Handang-handa nang sumabak paspasang trabaho sa industriya!” ang saad pa ng kaibigan at confidante ni Kris.

Ang tanong na lang, kailan nga kaya tuluyang sasabak sa showbiz ang anak nina Kris at James Yap at kung ano ang uunahin niyang gawin – pagiging TV host kaya o young actor?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo dear BANDERA readers, ano ang hula n’yo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending