Bimby matapos bisitahin si FL Liza Marcos: ‘She is really nice!’
NANG tanungin si Bimby kung kamusta ang pagkikita nila ng First Lady na si Liza Marcos.
Ang sagot ng bunsong anak ni Kris Aquino, “She (FL Liza Marcos) is really nice. She offered to help us regarding our travel needs.”
“When someone offers you kindness, you accept it. If you don’t accept it, that’s rude,” ani pa ni Bimby sa naging interview ng The Philippine Star kamakailan lang sa isang event.
Naikwento pa ni Bimby na hindi ito ang unang beses na nagkita sila ng First Lady.
“I would always see her in a lot of weddings my mom and I attended,” sambit niya.
Baka Bet Mo: FL Liza Marcos binisita ng 2 anak ni Kris: ‘The world is healing!’
Nabanggit din sa ulat na habang nasa Manila ang magkapatid, sila ay nakituloy sa Antipolo sa bahay ng kaibigang fashion designer ni Kris na si Michael Leyva.
Si Michael pa nga raw ang nag-asikaso para makabisita sina Bimby at Josh kay First Lady Liza.
Magugunitang naging usap-usapan sa social media ang ibinanderang litrato ng asawa ni Pangulong Bongbong Marcos kasama ang mga anak ng Queen of All Media, upang pasalamatan ang dalawang binata sa kanilang pagbisita nang umuwi ng Pilipinas.
Kasunod niyan, ibinunyag ng president na tiyahin o auntie ng dalawa si First Lady.
Paliwanag ni PBBM sa ilang reporters, “Dahil ang kanyang auntie (youngest sister ni FL na si Rosario Cacho) ay napangasawa si Don Pepe [Cojuangco], the eldest brother of Cory. So, they are related.”
“Kaya’t hindi naman nakakapagtaka, kilalang kilala niya ‘yung mga pamangkin niya very well,” wika pa niya.
At tulad ng isinagot ni Bimby sa interview kung ano ang sadya kay Mrs. Marcos, kapareho ito sa nabanggit ng pangulo na ito ay para personal na magpasalamat at magbigay ng pasalubong.
Nilinaw rin ni Presidente Bongbong na kahit nagkakabanggaan sa politika ang pamilyang Marcos at pamilyang Aquino ay okay naman ang relasyon nila sa isa’t-isa.
“We’ve always been okay. We just don’t agree politically,” sey ni PBBM.
Samantala, ibinunyag ni Bimby sa nabanggit na interview na malapit nang umuwi ng Pilipinas ang kanyang ina “for good.”
“My mom is coming home for good in September. Latest is October,” sey ng bunso ni Kris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.