FL Liza Marcos binisita ng 2 anak ni Kris: ‘The world is healing!’
PINUSUAN at umani ng mga positibong komento ang litrato ni First Lady Liza Marcos kasama ang dalawang anak ng Queen of All Media na si Kris Aquino.
Masayang ibinandera ni FL Liza ang picture niya kasama sina Joshua at Bimby na kuha sa tanggapan ng First Lady sa loob ng compound ng Malacañang Palace.
Sa kanyang Facebook account, makikita ang photo ng pinakamamahal na asawa ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na all smile habang nasa gitna ng mga anak ni Kris.
Pinasalamatan ng First Lady ang pagbisita sa kanya ng mga pamangkin ng dalawang anak ni Kris na pamangkin ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino.
“Thank you Bimby and Josh for dropping by. It was so nice to see you guys after all these years,” ang nakalagay sa caption ng naturang FB post na may nakasulat pang “FL office, Manila | 9 July 2024.”
Marami ang natuwa and ay the same time ay nagulat sa litrato ni FL Liza kasama sina Josh at Bimby dahil nga madalas ilarawan bilang “magkaaway” na pamilya ang Aquino at Marcos dahil sa kasaysayan ng politika sa Pilipinas.
Pero dahil sa FB post ng First Lady ay marami ang nagkomento ng, “the world is healing.” Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon mula sa mga netizens.
“Pagkakaisa yan ang kailangan ng Pilipinas.”
Baka Bet Mo: Ogie Diaz binanatan ng bashers matapos magkomento sa production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV
“Very professional and Humble person.”
“Ito talaga hinihintay ko. Ng mawala na ang mga political marites. Ang hirap umunlad pag puro away! Ket sa senado pag kaaway mo yung ibang myembro ay goodluck.”
View this post on Instagram
“An epitome of friendship and acceptance.”
“Wow ang laki na nila ang gugwapo na at ang babait na mga bata nakakaproud sila.”
“Yan ang tatak marcos super duper maunawain mababang loob mabait matulungin..marunong makipag kapwa tao..kapayapaan para sa bayan.ingat lagi lods fl liza godbless.”
“Mukhang humupa na din naman ang dalawang pamilyang magkalaban. Kaya mabuti talagang nagkabati na.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.