'Matulis' na character actor na-fall na naman sa bagong leading lady: Mag-ingat lang siya dahil baka makabuntis siya uli! | Bandera

‘Matulis’ na character actor na-fall na naman sa bagong leading lady: Mag-ingat lang siya dahil baka makabuntis siya uli!

Reggee Bonoan |August 18,2022
facebook
share this

‘Matulis’ na character actor na-fall na naman sa bagong leading lady: Mag-ingat lang siya dahil baka makabuntis siya uli!

Reggee Bonoan - August 18, 2022 - 06:13 PM

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?

HMMMM, may sitsit ang aming source. Super sweet daw ang character actor at leading lady niya sa isang show na pinupuri ngayon dahil maganda naman daw at bumagay sa kanilang dalawa.

Wala namang masama kung nagkakamabutihan sila dahil sa pagkakaalam namin ay pareho naman silang single.

“Oo parehong single, kaso baka madagdagan na naman ang anak ni _____ (character actor), super tulis pala no’n,” sumbong ng aming source.

Hindi ba ipinaalam ng character actor sa girl na may anak na siya at ilan na nga ba?

“Actually, umamin naman si ____ (character actor) na may anak na siya at nabigyan naman siya ng second chance dahil nawala nga siya, di ba? At ngayong nabigyan ng chance heto’t may girl on the side na naman ang lolo mo.

“Charmer naman kasi siya, magaling magsalita kaya napapalapit ang girls sa kanya pati hindi niya kaedad.

“Itong naging leading lady niya, e, sweet sila abangan na lang natin kung anong mangyayari pero sana kung magkatuluyan sila sana mag-ingat si ____ (character actor) baka kasi madagdagan ang anak niya.

“E, sayang naman ang chance na ibinigay sa kanya saka si _____ (leading lady), need pa niyang sumikat o dumami pa ang projects para naman makilala na siya nang husto, ang tagal-tagal na kasi niya, naunahan pa siya ng mga baguhan kasi naman puro lovelife ang inuna niya dati,” sabi ng aming source.

Dagdag pa niya, “Ay wait, may isa pa, si _____ (character actor) may tsikang dalawa na ang anak.”

Napa-“huh” na lang kami dahil ang alam namin ay isa lang ang anak niya.

* * *

Malapit nang malaman ng sambayanan kung sino ang susunod nilang iidolohin sa inaabangang Live Gala shows tampok ang Top 12 hopefuls ngayong weekend sa ikalawang season ng “Idol Philippines.”

Noong nakaraang linggo, napatayo at napaiyak nga ang “Idol” judges sa ipinamalas na performances ng Nisha Bedaña, Ann Raniel, Misha de Leon, Trisha Gomez, Delly Cuales, Anthony Meneses, Kice, PJ Fabia, Khimo Gumatay, Drei Sugay, Bryan Chong, at Platinum Ticket holder na si Ryssi Avilakaya naman sila ang napiling uusad sa susunod na round ng kompetisyon.

Sa darating na Live Gala shows, maaari naman na makilahok ang viewers para ipakita ang kanilang suporta sa paborito nilang hopefuls sa pamamagitan ng voting credits sa Uplive.

I-download na ang Uplive at gumawa ng sariling account. I-click ang banner landing page at Idol account profile. Maglog-on para makakuha ng libreng voting credits, o bumili ng nasabing credits. Maari lang gamitin ang voting credits sa mismong show. Magbubukas ang voting lines tuwing live shows.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inilabas din ng programa nitong nakaraang linggo ang kanilang rare digital collectibles sa pagtutulungan nila sa Theta Network. Ang Idol Philippines ang kauna-unahang programa magkaroon ng digital collectibles, o tinatawag na NFTs sa bansa.

Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor

Kilalang female celeb mukha na raw ‘padede mom’ dahil sa bagsak na boobs

Aktor laging nakatambay sa casino: Before midnight nawawala siya, after two hours nandoon na uli siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending