Ogie Diaz binanatan ng bashers matapos magkomento sa production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV | Bandera

Ogie Diaz binanatan ng bashers matapos magkomento sa production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV

Reggee Bonoan |September 19,2022
facebook
share this

Ogie Diaz binanatan ng bashers matapos magkomento sa production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV

Reggee Bonoan - September 19, 2022 - 04:59 PM

INUULAN ng bashers ang talent manager at content creator na si Ogie Diaz dahil sa komento nitong hindi maganda ang audio at sound system ng ALLTV.

Ito’y base sa napanood niyang production number ni Toni Gonzaga-Soriano sa launching ng bagong TV network. Naikumpara pa ito ng online host sa “GMA Supershow” noon ni German “Kuya Germs” Moreno.

Ayon sa bashers kaya raw ganito ang sinabi Ogie ay dahil walang prangkisa ang ABS-CBN.

“Wala nang prangkisa ang ABS-CBN, pero ‘yung klase ng mga ipinalalabas ng ABS-CBN habang walang prangkisa ay hindi naman naapektuhan nang pagkawala ng kanilang prangkisa dahil maganda. Maganda ‘yung performance, maganda ‘yung production design,” paliwanag ni Ogie sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Ate Mrena sa YouTube.

Nag-thumbs-up si Ogie sa komento ng basher na sana hindi siya kunin ng ALLTV. “Okay lang, ano problema!” kunot noong sabi ng co-host ni Mama Loi.

Sabay hirit ni Mama Loi ng, “Malay mo ‘Nay baka sa mga prangka mong komento kunin kang consultant? Kasi hindi ka nagsu-sugar coat, di ba?”

“Diyosko, ito po sa mga hindi nakakaaalam, magkaibigan po kami ni Senator Manny Villar, ang assistant ni Senator Manny Villar, si Avic Amarillo. Hindi naman ako lumalapit sa kanila para magkaroon ako ng show. 

“Hindi naman sa hindi nangangailangan kung may magandang alok, e, di grab.  Diyosko nagtsitsikahan na nga tayo dito aarte pa ba tayo?” pahayag ni Ogie.

View this post on Instagram

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)


Pero sinabihan siya ni Mama Loi, “Dito ka na lang (YT) walang mag-aalok, ayaw namin. Ha-hahaha!”

Susog naman ni Ogie, “Ayaw ko rin namang i-compromise ang YouTube channel ko (halimbawang may alok), ‘o, kukunin ka namin pero ihinto mo muna ang YouTube channel mo or dito mo unang ilalabas sa amin saka mo ilalabas sa ‘yo.’  

“O, di naapektuhan pareho. So kung walang gustong tumanggap sa gusto kong mangyari, e, dito lang kami ‘no!” aniya.

Anyway, dapat nga raw magpasalamat kay Ogie dahil maraming na-curious sa komento niya tungkol sa ALLTV at dumami ang followers ng fan page nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga subscribers naman ang “Showbiz Update” na nagsabing ‘wag sanang iwan ni Ogie ang YT nila dahil nakakawala ng stress kapag napapanood siya with Mama Loi, Ate Mrena, Tita Jegs at Dyosa Pockoh.

Ogie Diaz napabungisngis sa prod number ni Toni Gonzaga sa ALLTV

Willie Revillame inaming siya mismo ang nakikipag-usap sa mga artistang lilipat sa ALLTV, may pakiusap sa netizens

Willie sa pagbubukas ng ALLTV: Magugulat kayo kung sinu-sino ang aming mga makakasama…at bukas kami para sa lahat!

Mariel Padilla pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV: The easiest decision I have ever made

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending