Pagkamatay ni Kris Aquino walang katotohanan

Pagkamatay ni Kris Aquino walang katotohanan

Therese Arceo - December 21, 2024 - 03:36 PM

Pagkamatay ni Kris Aquino walang katotohanan

PINABULAANAN ng talent manager na si Ogie Diaz ang kumakalat na chikang pumanaw na ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Ito ay kaugnay ng mga kumakalat na balita sa internet na isang kilalang personalidad raw ang pumanaw na kalakip ang naka-blur na larawan.

Tila may hawig ang larawan kay Kris at may caption pa nga itong “If it is true, why keep it a secret? Are they keeping a secret?”

Kaya naman sa latest episode ni Ogie Diaz ay tinalakay niya ang kumakalat na isyu.

Baka Bet Mo: Kris Aquino wala nang panlaban sa bacterial infection: KAYA KO PA BA?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“That’s why I asked Tita Mary Ann Opeña, isang napaka-close kay Kris Aquino. Tinawagan niya agad si Alvin, ‘yung secretary ni Kris at natawa na lamang si Alvin,” pagbabahagi ni Ogie.

Natawa ito dahil wala raw katotohanan ang kumakalat na balita tungkol sa TV host-actress.

“Siyempre nasa recovery stage si Kris pero sabi nga ni Tita Mary Ann, ‘Naku! Pag ganyan, hahaba lalo ang buhay ni Kris Aquino,” lahad ni Ogie.

Pero sa kabila ng kanyang pag-denay sa chika ay ang babala nito na dapat huwag ugaling magpakalat ng fake news.

“Huwag na ‘yung mga ganyan. Dapat nga mag-wish tayo na sana ay gumaling si Kris para matupad na ang kanyang pangarap na magkaroon ng show,” sabi pa ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending