Vice naloka sa natanggap na parangal: Ano ba tong award na ‘to?
SHOOKT at tila lost ang Unkabogable Star na si Vice Ganda nang tawagin ang pangalan niya para tumanggap ng award sa nagdaang 50th MMFF Gabi Ng Parangal.
Nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 27, idinaos ang awards night para sa sampung pelikulang lumahok Metro Manila Film Festival ngayong 2024.
Isa nga si Vice Ganda sa mga kinilala at nakasungkit ng Special Jury Citation para sa kanyang naging pagganap sa “And The Breadwinner Is…”
Ngunit tila lost ang “It’s Showtime” host nang tumayo siya at naglakad papuntang entablado para tanggapin ang parangal.
Baka Bet Mo: Vice Ganda umalma sa fake news: Walang utang ang It’s Showtime sa GMA
View this post on Instagram
“Pagtayo ko tinatanong ko si Direk Jun at saka si Uge, ano ba itong award na ito?” natatawang panimula ni Vice Ganda nang tanggapin ang award.
Pagpapatuloy niya, “Special Jury Citation for what? For best dressed for tonight? For best performance? Gano’n ba ‘yon? Seriously, hindi ko talaga alam. Nagtatanga-tangahan ako, ayoko naman magpasalamat kung hindi ko naiintindihan ‘yong award,” dagdag pa niya.
Kaya naman binasa ni Dennis kung para saan ang naturang award na natanggap ni Vice.
“The Jury of the 50th MMFF Awards Special Citation to a performer who has broken the ground and gone out familiar and comfort zone to prove this growth as an artist and tackled issues relevant to the contemporary society.
“The MMFF Jury honors Vice Ganda for his achievement in this year’s festival,” lahad ni Dennis.
Matapos marinig ang mga sinabi ng aktor ay mas naintindihan na ni Vice ang parangal na natanggap.
Kasunod nito ay ang kanyang pagpapasalamat dahil matapos ang ilang taong pagsali sa MMFF ay finally “napansin” na siya.
Nakangiting sabi ni Vice, “Thank you very much. I have long been waiting for this, at last finally I am seen. Hindi joke ‘yon. Maraming maraming salamat po sa pagkilalang ‘yon.
“Thank you so much tonight for I am seen with this movie, with this project. I am finally seen. I have participating the festival for years, this is first time na mayroon akong award.”
Nagpasalamat rin siya sa kanyang home network, ang ABS-CBN, sa hindi nito pagtigil sa paggawa ng magagandang proyekto pati na rin sa kanyang direktor na si Jun Lana.
“Maraming salamat kay Direk Jun Lana dahil binigyan mo ako ng ganitong storya na inaantay na rin ng marami. Binigyan mo ako ng ganitong pagkakataon na gumanap sa isang karakter na hindi lang magpapatawa, mang-aaliw sa mga manonood kundi tutusok sa mga puso at kaluluwa ng mga makakakita nito, at makapagbibigay ng maraming realizations at maraming maraming aral sa mga makakatunghay ng pelikulang ito. Maraming salamat sa paggabay mo,” mensahe ni Vice.
Sinulit na rin ng komedyante ang kanyang spotlight at hinabaan na ang speech dahil tila ito na raw ang sign na hindi siya mananalo na Best Actor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.