Ruru Madrid waging Best Supporting Actor, inspirasyon si Bianca

Ruru Madrid wagi bilang Best Supporting Actor, inspirasyon si Bianca Umali

Therese Arceo - December 28, 2024 - 05:24 PM

Ruru Madrid wagi bilang Best Supporting Actor, inspirasyon si Bianca Umali

EMOSYONAL ang Kapuso star na si Ruru Madrid matapos siyang tawagin bilang Best Supporting Actor para sa kanyang pagganap sa “Green Bones”.

Nitong Biyernes, December 27, ginanap ang 50th MMFF Gabi ng Parangal kung saan hinirang siyang Best Supporting Actor dahil sa kanyang naging pagganap bilang si Xavier Gonzaga, isang prison guard.

Tinalo ni Ruru ang iba pang mga nominado na sina Jhong Hilario, Kokoy De Santos, David Ezra, at Sid Lucero.

Kaya naman nang tanggapin ang award ay hindi napigilan ng aktor na maiyak habang inaalala ang kanyang mga pinagdaanan bilang artista

Baka Bet Mo: Boss Toyo tumanggi kina Coco at Ruru, pero nag-YES agad kay Bong

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ani Ruru, ang tagal rin niyang naging umderdog bilang artista.

“Nung una, nasasaktan ako, iniisip ko bakit. But then I realized na kaya pala siya nangyayari sa ‘kin, para ‘pag dumating ‘yung araw na ibibigay na sa ‘kin ‘yung kapalit no’n.

“Katulad po nito, hindi ko po ite-take for granted lahat ng ‘yon kasi alam ko ‘yung hirap na pinagdaanan ko bago ko makuha ‘to at hindi po ‘yon naging madali,” saad ni Ruru.

Dagdag pa niya, “Kaya siguro gusto ko lang rin pong sabihin ‘to dahil alam ko na marami pong nangangarap na sumusuko nalang dahil nauunahan po sila ng takot, nauunahan sila ng hindi nila kaya, na pakiramdam nila walang naniniwala sa kanila.”

Sa kabila nito ay pinili ni Ruru na patuloy na maniwala sa sarili hanggang sa maabot ang pangarap.

“Pero naniniwala ako na basta ikaw, naniniwala ka sa sarili mo na kaya mo, na mararating mo ‘yung pangarap mo, basta malinis ang intensyon mo, nagpupursige ka at pinipili mong maging mabuting tao sa lahat ng pagkakataon, makakamit mo ito,” sey pa ni Ruru.

Nagpaabot rin siya ng pasasalamat sa kasamang si Dennis Trillo na habang buhay niyang pasasalamatan sa privilege na ibinigay nito na makatrabaho siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman nakalimutan ni Ruru sa kanyang speech ang girlfriend na si Bianca Umali na syang naging inspirasyon niya sa bawat ginagawa.

“Ikaw ‘yung totoong naniniwala sa ‘kin noong mga panahon na walang-wala ako. Ikaw ‘yung nandiyan, ikaw ‘yung kinakapitan ko, ikaw ‘yung sandigan ko.

“Kaya maraming salamat, mahal ko at magkasama nating tuparin ang lahat ng mga pangarap natin sa buhay,” punung-puno ng pagmamahal na sabi ni Ruru.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending