Liza Marcos pasok sa ‘52 Most Fashionable Personalities’

First Lady Liza Marcos pasok sa ‘52 Most Fashionable Personalities’ sa coronation ni King Charles

Pauline del Rosario |May 11,2023
facebook
share this

First Lady Liza Marcos pasok sa ‘52 Most Fashionable Personalities’ sa coronation ni King Charles

Pauline del Rosario - May 11, 2023 - 06:19 PM

First Lady Liza Marcos kasama sa ‘52 Most Fashionable Personalities’ sa coronation ni King Charles

PHOTO: Facebook/Liza Marcos

BUKOD sa naging koronasyon ni King Charles III, isa rin sa mga agaw-atensyon ay ang mga magagarang kasuotan ng mga dumalo sa espesyal na okasyon.

At isa sa mga nag-stand out diyan ay si First Lady Liza Marcos.

Sa katunayan nga, pang-46th spot siya sa “Most Fashionable Personalities,” ayon sa British media na The Telegraph.

Rumampa si Mrs. Liza suot ang kulay powder blue na Filipiñana na gawa ng PInoy designer na si Paul Cabral.

Baka Bet Mo: King Charles nakoronahan na, PBBM inaming kilala ang hari: ‘I’ve known him when he was still a prince’

Kasama ng first lady sa listahan ang ilan pang sikat na personalidad gaya nina Katy Perry, Dame Emma Thompson, Jill Biden at Olena Zelenski.

Kabilang din sa “Most Fashionable Personalities” ang ilang British Royal family na sina Duchess of Edinburgh, Princess Beatrice at Zara Tindall. 

Magugunitang kinoronahan nitong May 6 si King Charles III matapos pumanaw noong September 2022 ang kanyang ina na si Queen Elizabeth II.

Ang Archbishop of Canterbury ang naglagay ng “360-year-old St. Edward’s Crown” sa ulo ng hari habang siya ay nakaupo sa 14th century throne sa Westminster Abbey.

Ang nabanggit na coronation ay nasaksihan ng hindi bababa sa 100 world leaders at milyon-milyong manonood sa telebisyon.

Kabilang sa mga dumalo sa magarbong event ay ang ating pangulo na si President Bongbong Marcos at ang kanyang misis.

Ayon sa British Embassy in Manila, una nang nagkita ang mag-asawa at ang hari sa isinagawang reception para sa mga head of state na naganap sa Buckingham Palace noong Mayo 5.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Belle Mariano ibinandera ang mga pasabog na OOTD ngayong ‘summer season’

Katy Perry, Lionel Richie eeksena sa coronation ni King Charles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending