King Charles nakoronahan na, PBBM inaming kilala ang hari

King Charles nakoronahan na, PBBM inaming kilala ang hari: ‘I’ve known him when he was still a prince’

Pauline del Rosario - May 07, 2023 - 10:22 AM

King Charles nakoronahan na, PBBM inaming kilala ang hari: ‘I’ve known him when he was still Prince Charles’

King Charles III, President Bongbong Marcos

MATAPOS ang pitong dekada, may bagong hari na ang Britanya!

Kinoronahan nitong May 6 si King Charles III matapos pumanaw noong September 2022 ang kanyang ina na si Queen Elizabeth II.

Ang Archbishop of Canterbury ang naglagay ng “360-year-old St. Edward’s Crown” sa ulo ni King Charles habang siya ay nakaupo sa 14th century throne sa Westminster Abbey.

Ang coronation ng hari ay nasaksihan ng hindi bababa sa 100 world leaders at milyon-milyong manonood sa telebisyon.

Kabilang sa mga dumalo sa magarbong event ay ang ating pangulo na si President Bongbong Marcos at ang kanyang misis na si First Lady Liza Marcos.

Ayon sa British Embassy in Manila, una nang nagkita ang mag-asawa at ang hari sa isinagawang reception para sa mga head of state na naganap sa Buckingham Palace noong Mayo 5.

Baka Bet Mo: Katy Perry, Lionel Richie eeksena sa coronation ni King Charles

“We underscore the thriving relationship between the Philippines and the United Kingdom, which has been promising in increasing trade, investment, and cultural exchanges for the Filipino people,” sey sa tweet ng pangulo.

Magugunitang una nang sinabi ni Marcos na matagal na niyang kakilala si King Charles III dahil nag-aral siya noon sa United Kingdom.

“I have known him even when he was still Prince Charles,” chika niya sa mga reporter.

Noong May 5 nang dumating sa London Gatwick Airport ang presidente at sinalubong siya ng Philippine Ambassador to the United Kingdom na si Teodoro Locsin Jr., pati ng special representative of the king na si Richard Kleinworth.

Bago pa lumipad patungong London, kakagaling lang niya sa United States dahil sa five-day official visit

Read more:

Anak nina Claudine at Raymart pasadong matinee idol; Dolphy tuluy-tuloy pa rin ang pagpapatawa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Queen Elizabeth II pumanaw na sa edad na 96

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending