Nicholas Kaufmann nadamay sa isyu ni Duterte, kinalampag ng mga Pinoy
UMALMA na ang American author na si Nicholas Kaufmann matapos madawit ang kanyang pangalan sa kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Martes, April 1, ibinahagi niya ang pagpasok ng napakaraming mensahe ng mga Pilipino sa kanya.
“I am being absolutely flooded today with followers and commenters from the Philippines who I guess don’t believe I’m not Duterte’s lawyer,” saad ni Kaufmann.
Dagdag pa niya, “Our names aren’t even spelled the same (he’s Kaufman with one N). It’s insane!”
Baka Bet Mo: Nora Aunor hindi makalimutan ang sinabi sa kanya ni Rodrigo Duterte
View this post on Instagram
Bago pa man ang naturang post ay nauna na niyang sinabi na hindi siya ang tatayong abogado ni Duterte sa kaso nitong crimes against humanity sa ICC.
“PEOPLE OF THE PHILIPPINES, I AM *NOT* THE ICC LAWYER NICHOLAS KAUFMAN WHO IS REPRESENTING PRESIDENT DUTERTE! PLEASE STOP MESSAGING ME!” sey ni Kaufmann.
Ngunit tila makukulit talaga ang mga supporters ni Duterte at nag-message at comment pa rin sa kanyang social media handle sa kabila ng nauna na niyang anunsyo.
Para sa mga hindi aware, si Kaufmann ay isang American author na ang genre ay umiinot sa horror, urban fantasy, at adventure.
Ilan sa kanyang mga akda ay ang “100 Fathoms Below,” “The Hungry Earth,” “Chasing the Dragon,” “Dying Is My Business,” at “Die and Stay Dead”.
May pagkakapareho naman sa pangalan nila ng British-Israeli lawyer na si Nicholas Kaufman na siyang magsisilbing lead consel ng dating pangulo sa paglilitis ng kanyang kaso sa ICC.
Isa siyang international lawyer na nagtapos sa University of Cambridge at ang specialization ay international criminal law, supra-national regulatory law, at commercial arbitration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.