Anak nina Claudine at Raymart pasadong matinee idol; Dolphy tuluy-tuloy pa rin ang pagpapatawa | Bandera

Anak nina Claudine at Raymart pasadong matinee idol; Dolphy tuluy-tuloy pa rin ang pagpapatawa

Reggee Bonoan |July 20,2022
facebook
share this

Anak nina Claudine at Raymart pasadong matinee idol; Dolphy tuluy-tuloy pa rin ang pagpapatawa

Reggee Bonoan - July 20, 2022 - 11:17 AM

Dolphy, Claudine Barretto at Santino Santiago

ANG guwapo at artistahin talaga ang dating ng binatilyong anak nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Santino.

Nagdiwang ng kanyang ika-15 kaarawan kahapon, Hulyo 19 ang anak ng dating celebrity couple at base nga sa litratong nakita namin, pwedeng-pwedeng maging matinee idol ang bagets.

Ipinost ng aktres ang larawan ng anak sa kanyang Instagram account kung saan nakasuot ito ng toga with eye-glasses.

Sabi namin, nakuha niya ang magandang kutis ng ina at kamukha naman ng ama kapag tinititigan na tila may pagkasuplado pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)


Ang touching caption ni Claudine sa litrato ng anak, “Happy happy 15th birthday My Son. You are truly God’s gift to Mom. Thank u for being a great Brother to Ate Sab & Kuya to Noah & Quia & the BEST SON a Mother can only pray for.

“U are such an Amazing Person. I know great things will happen to great People like u. I luv u more than anything in this world Saint.

“There isn’t anything Mummy wont do for u. You are my life anak (emojis smiling face, face throwing a kiss, cake, balloon and gift),” ang kabuuang mensahe ni Claudine sa kaarawan ng anak nila ni Raymart.

Maraming bumating kaibigan ni Claudine kay Santino pero wala habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming nababasang pagbati mula sa ama ng teenager.

Sinilip namin ang Instagram account ng aktor ay baka nag-post din siya ng larawan ng anak pero wala rin. Naisip na lang namin, malamang binati ng aktor nang personal ang kanyang anak.

* * *

Tatlong pelikula ni Dolphy ang naghahatid ng katatawanan at nagpapakalap ng good vibes online sa pagpapalabas nito sa Cinema One YouTube channel ngayong Hulyo bilang paggunita sa 10th death anniversary ng tinaguriang Hari ng Komedya.

Mapapanood nang libre ang mga tumatak na pelikulang “Hataw Tatay Hataw,” “Dino Dinero,” at “Ang Hiwaga Ng Ibong Adarna” sa nasabing video streaming platform hanggang Setyembre 30.

Balikan ang kwelang kwento ng “Hataw Tatay Hataw” na tungkol sa isang bellboy (Dolphy) na bibisitahin ng kanyang anak na babae (Sheryl Cruz) na matagal nang nawalay sa kanya, Magpapanggap ang ama na may-ari ng hotel para ma-impress ang anak na mula sa Amerika.

Mapapanood din dito sina Zoren Legaspi, Nanette Medved, at Vandolph Quizon.

Isa namang mahirap na ice cream dealer na may tatlong ampon si Dolphy bilang si “Dino Dinero” na susubukang lokohin ng isang negosyante para nakawin ang kanyang ice cream recipe. Tampok rin sa pelikula sina Gretchen Barretto, Romnick Sarmenta, Carmi Martin, at iba pa.

Nakasentro naman sa halaga ng mabuting kalooban ang “Ang Hiwaga Ng Ibong Adarna” kung saan may isang hari na paglalabanin ang kanyang mga anak na sina Adolfo (Dolphy), Alfonso (Panchito), at Albino (Babalu) para alamin kung sino ang nararapat pumalit sa trono niya.

Magkakasakit ang amang hari at ang tanging gamot ay ang awitin mula sa ibong Adarna at kung sino man ang makapagdala ng ibong ito sa hari ang siyang magwawagi.

Huwag palampasin ang katatawanan at sayang hatid ng timeless movies ni Dolphy sa Cinema One YouTube channel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Claudine sumabog na naman ang galit kay Raymart: Fight fair for once in your life!

Claudine aprub sa boyfriend ng anak na si Sabina

Willie tinulungan noon si Dolphy, sey ni Cristy Fermin: Kaya laging pinagpapala si Willie ay dahil butas ang palad niya

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending