Eric Quizon sa gagawing pag-demolish sa Dolphy Theater: Baka maiyak ako

Eric Quizon at Dolphy
FEELING ni Eric Quizon ay bigla na lang siyang maiiyak kapag nakatungtong uli sa Dolphy Theater na matatagpuan sa loob ng ABS-CBN building sa Quezon City.
Kasama kasi sa mga ide-demolish ang iconic Dolphy Theater na ipinangalan sa yumaong ama ni Eric na si Comedy King Dolphy, sa property ng ABS-CBN na naibenta sa Ayala Land, Inc..
Kuwento ng aktor at direktor, nasa ibang bansa raw siya nang mabalitaan ang gagawing paggiba sa building ng Kapamilya Network na talagang ikina-shock niya.
“I was in London. Pero hindi pa siya nagsi-sink in, e. When I heard about it, sabi ko, ‘Sayang naman.’
“Hindi naman namin pag-aari ‘yun. It was given in honor of him. Sa Sunday nga, magdidirek ako ng Star Awards, at sa Dolphy Theater siya gagawin.
“I don’t know what I’m going to feel. Baka mag-senti ako roon. Baka papunta pa lang ay maiyak na ‘ko,” ang pahayag ni Eric sa panayam ng ABS-CBN.
Nag-request daw si Direk Erik sa mga bossing ng ABS-CBN kung pwedeng hingin na lang niya ang Dolphy Theater logo sign na may caricature ng Comedy King.
View this post on Instagram
“Actually, ipinarating ko na sa kanila na kung gigibain siya, ‘yung parang symbol sa labas, kung puwedeng ibigay na lang sa akin. Sabi ni Tita Cory (Vidanes), pinag-uusapan pa raw nila pero matagal pa naman daw ‘yun.
“Kung hindi raw gagamitin ng ABS, ibibigay daw nila sa akin kung hindi nila gagamitin.
“‘Yung mga memorabilia, baka magamit nila kung lumipat sila. Pag-aari naman nila ‘yun. The Dolphy Theater was just given to Dolphy in honor of him.
“Nakakalungkot. ‘Yung nasa harapan na parang may caricature ni daddy, sabi ko, kung puwedeng hingin na lang namin. Sabi ni Tita Cory, pag-uusapan daw,” aniya pa.
Pag-alala pa ng aktor, “Dinala namin ang body ng daddy ko sa Dolphy Theater. ‘Yung first day talaga ay sa ABS-CBN bago siya dinala sa Heritage.
“Maraming naganap sa Dolphy Theater both like work and ‘yung mga malulungkot na pangyayari sa family namin. Right now, hindi ko pa alam kung anong mararamdaman ko.
“Nakakalungkot. But I think it’s more than my dad, a theater named after him, pero ‘yung history ng ABS-CBN. Diyan nag-umpisa ang daddy ko. He has a good relationship with the Lopezes. My dad is part of ABS-CBN,” pahayag pa ni Eric sa naturang panayam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.