Katy Perry, Lionel Richie eeksena sa coronation ni King Charles
MANGUNGUNA ang international pop star na si Katy Perry at American singer-songwriter na si Lionel Richie sa magiging concert ng coronation ni King Charles.
Ayon sa organizers, ang pagtatanghal ay ang pagkakataon na ipagdiwang ang isang bagong kabanata sa kasaysayan ng Britanya.
Ang coronation ceremony ni King Charles ay mangyayari sa May 6 sa Westminster Abbey sa England, habang ang concert ay nakatakda naman sa May 7 sa Windsor Castle.
Inaasahang nasa 20,000 a katao ang dadalo sa mismong concert.
Excited na si Richie sa magiging performance na ayon pa sa kanya ay isang karangalan.
“To share the stage with the other performers at the Coronation Concert is a once-in-a-lifetime event and it will be an honor and a celebration,” sey ng American music star.
Baka Bet Mo: PBBM, First Lady present sa coronation ni King Charles III sa London
Bukod kina Katy at Richie, kabilang din sa line-up ang opera star na si Andrea Bocelli, singer-songwriter na si Freya Ridings, Welsh bass-baritone Bryn Terfel, at classical-soul composer Alexis Ffrench.
Ang listahan ng performers ay inanunsyo ng British Broadcasting Corporation (BBC).
“It will feature a broad mix of music spanning pop to classical, along with spoken word and dance performances reflecting arts and culture from around the UK and the wider Commonwealth,” sey ng British broadcaster.
Kamakailan lang ay kinumpirma ng Malacañang na dadalo si Pangulong Bongbong Marcos at First Lady na si Liza Araneta-Marcos sa nasabing event.
Sinabi ng Buckingham Palace na ang coronation ay pangungunahan ng Archbishop of Canterbury, ang senior bishop at principal leader ng Church of England.
Related Chika:
Tyson Venegas pinabilib ang judges ng ‘American Idol’, nasungkit ang platinum ticket
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.