PBBM, First Lady present sa coronation ni King Charles III sa London
DADALO si Pangulong Bongbong Marcos at First Lady na si Liza Araneta-Marcos sa darating na koronasyon ni King Charles III.
Mangyayari ito sa May 6 sa Westminster Abbey sa London.
Kinumpirma ito mismo ng Malacañang sa pamamagitan ng inilabas na pahayag nitong April 3.
Saad sa Facebook caption ng Presidential Communications Office, “Tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos ang imbitasyon ni His Majesty King Charles III at Her Majesty the Queen Consort para sa gaganaping koronasyon sa ika-6 ng Mayo.”
Sey pa sa nasabing post ay magiging present din ang mag-asawa sa gagawing reception sa Buckingham Palace bago ang coronation ceremony.
“Furthermore, the President and the First Lady have accepted the invitation of the Master of the Household, upon command of His Majesty, to a reception to be given at Buckingham Palace in advance of the Coronation of Their Majesties The King and The QueenConsort on Friday, 5th May, 2023 at 5:00 p.m.,” lahad sa official statement.
Baka Bet Mo: Prince Chales taus-puso ang pasasalamat sa Pinoy health care workers sa UK
Sinabi ng Buckingham Palace na ang coronation ay pangungunahan ng Archbishop of Canterbury, ang senior bishop at principal leader ng Church of England.
Read more:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.