Rudy Baldwin kayang i-predict ang magpapagaling kay Kris?

Rudy Baldwin kayang i-predict ang magpapagaling sa mga sakit ni Kris Aquino?

Reggee Bonoan - May 24, 2024 - 05:10 PM

Rudy Baldwin kayang i-predict ang magpapagaling sa mga sakit ni Kris Aquino?

Rudy Baldwin, Kris Aquino

VISIONARY ang tawag kay Rudy Baldwin na ayon sa Google ay, “someone with a strong vision of the future.”

Nagkaroon ng one-on-one interview si Ogie Diaz sa kontrobersyal na si Rudy sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog na “Ogie Diaz Inspires” at maraming nabanggit ang huli na mga kilalang personalidad na may masamang mangyayari sa mga darating na araw, pero hindi muna ito pinangalanan.

Ibinandera ang nasabing video noong May 23 at umaani na ito ng mahigit 566,000 views.

“Hindi ko sinasabi kung sino dahil may batas tayo diyan na pwede kang kasuhan. Kung papaalalahanan ko lang in-person, walang problema sa akin pero kung sasabihin ko through posts hindi ko talaga magawa,” paliwanag ni Rudy.

Tanong ni Ogie, “Pero kung sasabihin mo sa akin off-cam pwede ko siyang bilinan o paalalahanan?” At pumayag naman diyan si Rudy.

Baka Bet Mo: Piolo Pascual damay sa isyu ni Rudy Baldwin?

Inamin din ni Rudy na maski sa sarili niya ay may nakita siya na mangyayari, pero matigas ang ulo niya at ginawa pa rin.

“Dinukot ako ng van at kinuha ang puso ko, natakot ako at nagising, sabi ko ay buti vision ko (panaginip) pero nangyari talaga kasi nu’ng araw na iyon lumabas ako para bumili ng slurpee sa 7-11 ng 2 p.m. at paglabas ko dinukot ako. Mabuti na lang kahit paano may alam ako sa martial arts at nakatakbo ako, see, ako na nauna kasi matigas ulo ko,” pagtatapat nito.

Ikinagulat din ni Ogie ang isa pang nabanggit ni Rudy na may taong malapit sa kanya na sobra siyang maapektuhan nang mawala ito pero hindi tinukoy kung sino on camera.

“Naloloka ako dito kay madam,” nailing na sabi ng host.

At dito na tinanong ni Ogie kung ano ang vision ni Rudy kay Kris Aquino na ilang taon nang nasa Amerika para magpagamot.

“Kay Kris Aquino dine-declare nila kasing mawawala siya. Nakikita nila ‘yung tao na [lumalaban] kahit hirap na hirap na siya lumalaban siya para mabuhay siya, eh.  Kahit nagbilin na siya, ang ma-advise ko ay nothing bad kung you just look in the one side of the world,” pahayag ni Rudy.

Paliwanag niya, “Ano ibig sabihin?  I know nagpagamot ka. I know na nagpaano ka sa medisina, why you just look in the one side?”

“Pag nagkasakit tayo, ang epekto ng sakit natin minsan hindi ‘yung doktor ang makakatulong, nothing bad naman kung magpatingin ka lang,” wika pa niya.

“Faith healer?” tanong ni Ogie kung ito ang makakatulong kay Kris.

“Not faith healer basta ano lang, how I wish nakita ko siya ng malapit, so, I can tell na o ganito lang ‘yan,” tugon naman ni Rudy sa talent manager.

Dagdag pa niya, “Kasi kung wini-wish siya ng iba na mamatay, hindi ganu’n ang linya ng kay Kris Aquino, tapos kung (anu-ano sinasabi tungkol sa sakit) history-history na ‘yan. My God! hindi kayo maka-move on? Hindi n’yo ba nakita na ‘yung tao may (mga) anak ‘yan. Gagaling ‘yan!”

“Try lang niya (magkita kami) kahit ‘wag niya akong bayaran kahit sampung piso lang. Kailangan kasi merong galing sa kanya para ‘yung energy ko lalakas ako ulit. ‘Yung sa kanya kasi ma-trabaho yan,” saad ni Rudy.

At ang gagawin daw ni Rudy kay Kris para maniwala, “Papaharapin ko siya sa salamin. Mayroon lang siyang ihihilamos na tubig, tumingin siya sa salamin at makikita niya kung sino ang gumawa sa kanya (nagpapahirap).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa sinabing ito ni Rudy Baldwin ay ilang beses na rin naming narinig ito sa mga kilalang card o tarot reader, tinatawag na feng shui expert at iba pa na nagpayo kung ano ang dapat gawin at iisa ang mga sinasabi, pero bilang sagradong Katoliko si Kris kaya nanatili siya sa kanyang faith.

Wish din naming sana sa bagong mga doktor na tumitingin ngayon kay Kris ay matumbok na nito ang tamang gamot para sa mga karamdaman niya’t gumaling na rin para makauwi na siya ng bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending