Kris Aquino ipinagkatiwala sina Josh, Bimby kay Boy Abunda

Kris Aquino ‘ipinagkatiwala’ sina Josh, Bimby sa pangangalaga ni Boy Abunda

Pauline del Rosario |February 15,2024
facebook
share this

Kris Aquino ‘ipinagkatiwala’ sina Josh, Bimby sa pangangalaga ni Boy Abunda

Pauline del Rosario - February 15, 2024 - 10:44 AM

Kris Aquino ‘ipinagkatiwala’ sina Josh, Bimby sa pangangalaga ni Boy Abunda

PHOTOS: Instagram/@krisaquino

TILA ibinilin na ni Kris Aquino ang dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby sa kanyang longtime friend na si Boy Abunda.

Sa isang exclusive interview sa programang “Fast Talk,” inalala ni Kris ang pangako noon ni Tito Boy sakaling may mangyari sa kanya dahil sa kanyang kalusugan.

“I just wanna take this opportunity Boy, na magpasalamat sa’yo because nangako ka sa akin, kagaya ng ilan sa pinakamalapit na kaibigan ko at ‘yung mga kapatid kong babae, nangako sila na kung ano man ang mangyayari, mayroon akong dalawang kaibigan na lilipad dito [sa US] para samahan yung two boys,” sey niya.

Dagdag ng Queen of All Media, “I’m entrusting [my children] with you because the two will actually be going home in two weeks.”

“Why did I decide on this? Kasi naaawa ako doon sa dalawang bata. Ako, makukulong na ako sa bahay. Pupunta na lang ako at lalabas ako para makita yung mga doktor,” paliwanag niya.

Baka Bet Mo: Kris Aquino hirap maglakad dahil sa namamagang tuhod, Bimby at Josh balik Amerika

Kasabay niyan ay ibinunyag ni Kris na ang susunod na anim na buwan ay magiging “crucial” para sa kanya.

Ito raw kasi ‘yung mga panahon na susubukan niya ang tinatawag na “biological medicine” upang ma-improve ang kanyang heart condition.

Sakali raw na hindi umepekto ito, malaki ang tsansa na siya’y magdusa sa cardiac arrest.

Pero sa kabila nito, nangako siya na lalaban siya para manatiling buhay.

“I’ve always been very upfront and honest. Hinarap ko na ‘to, especially na birthday ko, pahiram na lang ‘to ng Diyos. Binigyan na ako ng bonus. Whatever days are left, it’s a blessing. But I really want to stay alive,” giit ni Kris.

Patuloy niya, “Ito ang pangako ko, hindi ko kayo bibiguin. Wala sa pananaw ko sa buhay na pwedeng sumuko. Kailangang lumaban.”

Kung maaalala, noong Oktubre nang sinabi ni Kris na  itinuturing niya na parang kapatid si Tito Boy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinawag niya itong “other brother” at “keeper of all my secrets, the one who assured me that come what may he’ll be there for my sons, and the friend who until now fights my battles with me.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending