Kris ipinagdadamot daw sina Joshua at Bimby sa kanilang mga tatay; Philip, James ilang beses nang napahiya Bandera

Kris ipinagdadamot daw sina Joshua at Bimby sa kanilang mga tatay; Philip, James ilang beses nang napahiya

Reggee Bonoan |July 14,2022
share this

Kris ipinagdadamot daw sina Joshua at Bimby sa kanilang mga tatay; Philip, James ilang beses nang napahiya

Reggee Bonoan July 14, 2022 - 10:31 AM

Philip Salvador, Kris Aquino at James Yap

“SA tanong mo Kris (Aquino) sa nakaraan naming episode kung kasalanan mo pa rin ba na hindi kinokontak si Josh at si Bimby ng kanilang mga tatay, hindi namin kayang sagutin ‘yun.”

Ito ang pahayag ni Nanay Cristy Fermin sa episode ng “Showbiz Now Na” na in-upload nitong Miyerkoles ng hapon.

Napag-usapan kasi nina ‘Nay Cristy, Romel Chika at Morly Alinio ang tungkol sa mga ama ng magkapatid na Josh at Bimb na sina Philip Salvador at James Yap na ikinuwento ng una ang dahilan.

Matatandaang hindi nagustuhan ni Kris ang napanood na pinag-uusapan ang kanyang mga anak na sangkot ang kani-kanilang ama.

Sabi ng manunulat, “Dapat ay ibalik namin sa iyo ang tanong kung bakit nga ba hindi kumokontak si Kuya Ipe at si James sa mga anak n’yo.  ‘Yun dapat, siya (Kris) dapat ang sumagot.”

Kuwento pa ni ‘Nay Cristy, “Bakit daw hindi kumokontak sina Philip Salvador at James Yap sa kanilang mga anak na sina Josh at Bimby samantalang alam naman daw ang number niya.

“Nagbigay po si Kris ng mga pangalan na pareho nilang kilala ni kuya Ipe at ni James pero sa kabila ng lahat ay wala man lang pangungumusta ang dalawang tatay ng kanyang mga anak,” dagdag pa ng batikang kolumnista.

At dito na inamin ni Nanay Cristy na may nakausap siyang source na alam ang mga dahilan kung bakit walang komunikasyon ang dalawang kilalang personalidad sa kanilang mga anak.

“Meron akong nakausap na source na talagang hindi puwedeng gawin iyon ni James Yap kasi nga ‘yung mga naganap nu’ng una buhat nang magkahiwalay sila (ni Kris), ang usapan kasi sa korte may visitation rights itong si James ‘Yap kay Bimby,” sabi ni Nay Cristy.


Hirit ni Morly, “Oh, ‘yun naman pala, eh.”

“Hindi naman ‘yun Morly natutuloy,” sambit ni Nanay Cristy.

“(Ay) Hindi natutupad?” tanong naman ni Romel.

“Oo kasi kapag tumatawag daw si James doon sa yaya ni Bimby ay sinasabi pala sa kanya na, ‘ay hindi po kami puwede, hindi ninyo puwedeng kunin si Bimby may nauna na po kaming pupuntahan,’ parating ganu’n,” kuwento ng online host.

Tanong ni Morly, “Ibig sabihin, pinagdadamot?”

“Mismo!” mabilis na sagot ni ‘Nay Cristy.

Hindi lang isang beses itong nangyari dahil parating dahilan ay may gagawin sa eskuwelahan o may pupuntahan sina Yaya at Bimb.

“So, kumbaga ang sumira sa usapan sa korte ay si Kris Aquino. ’Yung kay kuya Ipe naman talagang hindi mamatamisin na kumontak sa kanya o kay Josh.

“Naalala mo ‘yung nakaraan pang eleksyon, 2016 pa na kapag ipinakikilala siya ni Senator Bong Go, ‘ang kabiyak dapat ni Kris Aquino na hindi natuloy’ mga ganu’n-ganu’n, pinagbintangan pala si kuya Ipe na siya ang utak ng lahat ng ‘yun.

“(Sabi raw ni Kris), ‘Hindi mo man lang kami bigyan ng proteksyon ng anak mo samantalang ganito, ganyan, (sa madaling salita) maraming isyu.

“Na minsan daw si Josh at si Bimby ay nag-uusap at narinig daw niya (Kris) na may sinasabing ‘palit-ulo.’  Hindi raw niya maintindihan kung ano ‘yung palit-ulo. Tinanong ko kay kuya Ipe tungkol sa palit-ulo thing na ‘yan at wala rin siyang alam,” mahabang kuwento ni ‘Nay Cristy.

Opinyon naman ni Morly, “Para sa mga ano lang ‘yan, kulungan? Sa mga patayan ‘yan, eh, palit-ulo.”

Patuloy ni Nanay Cristy, “So, mula noon umiwas na ‘yung dalawa, (kuya Ipe at James) na magkaroon ng komunikasyon sa mag-iina.”

Sabi naman ni Romel na hindi makadiretso ang dalawang ama sa mga anak nila dahil kailangan nilang dumaan sa kanilang mga yaya.

“Pero ang dapat na sitwasyon no’n kagaya nu’ng kay Derek Ramsay at Ellen Adarna, dumidirekta si John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna at minsan ate Cristy, si Derek pa ang naghahatid sa bata, ibinibigay kay (Lloydie). Dapat ganu’n,” paliwanag ni Morly.

Si Derek pa raw ang nagpapasok kay JLC sa bahay nito kapag susunduin niya si Elias Modesto kapag araw ng bonding nilang mag-ama.

Sabi pa ni ‘Nay Cristy, “Kung lagi kang napapahiya nanaisin mo pa bang tumawag ulit para mapahiya ka na naman, may pride naman ang bawat tao, di ba?”

Punto de vista naman ni Morly ay ito na ang perfect time na magsitawagan na ang mga tatay nina Josh at Bimb lalo’t may sakit ang kanilang ina.

“Magbaba na sila ng pride hindi lang sina kuya Ipe at James para sa kanilang mga anak,” diin ng co-host nina ‘Nay Cristy at Romel.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Kris o ng kampo niya at para na rin kina James at kuya Ipe para magkaliwanagan na.

Kris may inamin tungkol kina James at Bistek; pinayuhan si Bimby sa pakikipag-date

Kris kay Duterte: Never ko siyang binanatan, kaya sa mga DDS, walang reason na maging magkaaway tayo

Kris pinatawad na si Mel Sarmiento; muling nag-sorry kay P-Noy

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending