Piolo Pascual damay sa isyu ni Rudy Baldwin? | Bandera

Piolo Pascual damay sa isyu ni Rudy Baldwin?

Therese Arceo |August 19,2021
facebook
share this

Piolo Pascual damay sa isyu ni Rudy Baldwin?

Therese Arceo - August 19, 2021 - 06:41 PM

KAMAKAILAN ay ipinatawag si Rudy Baldwin sa “Raffy Tulfo in Action” matapos siyang ireklamo ng dating manager na sina Elzen Estores dahil sa mga “pekeng” visions.

“Puro po kamalasan ang nangyari sa buhay ko, Sir Raffy,” umpisa ni Elzen.

“Ang ipinangako po kasi sa akin na na-vision daw po niya na magiging mayor daw po ako sa Bulacan,” pagpapatuloy nito.

Marami rin raw sinabi si Rudy patungkol sa kaniyang magiging income pati pag-unlad sa kaniyang buhay.

Ayon pa sa kaniya, sinunod niya ang mga payo nito na ibenta ang mga ari-arian gaya ng sasakyan at mga alahas dahil malapit na raw mag-end of the world.

Isa pang pasabog ni Elzen ay sinabi raw ni Rudy na magiging leading lady siya ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual sa isang pelikula.

Natawa naman si Idol Raffy sa mga isiniwalat ni Elzen at pabirong tinanong kung hindi raw ba na-vision ni Rudy Baldwin na mapapa-Tulfo ito.

Naghayag naman si Rudy ng saloobin nito sa kaniyang Facebook page.

“Huwag nyo naman idamay si Piolo Pascual,” hiling ni Rudy matapos madawit ang Kapamilya actor sa isyu nito.

Sinungaling rin daw ang dating manager at ito raw talaga ang totoong scammer.

“Good luck at naka-save ang death threat mo sa akin. Nagkita na lang tayo sa korte, Ms. Solen,” post nito sa kaniyang Facebook page.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending