Bimby kay Kris: Maaawa ka nang sobra kay Mama but I know kaya niya ‘to
MASUWERTE si Kris Aquino sa pagkakaroon ng anak na tulad ni Bimby dahil napaka-mature na nitong kumilos at mag-isip sa edad na 17.
Si Bimby talaga ang laging kasama ni Kris mula pa noong magkasakit siya kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng Queen of All Media sa kanyang bunsong anak.
Sa latest vlog ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz maraming rebelasyon si Bimby tungkol sa pag-aalaga niya sa kanyang pinakamamahal na nanay na patuloy na nakikipaglaban sa kanyang mga autoimmune disease.
Baka Bet Mo: Bimby iiwan na si Kris sa US, babalik na sa Pinas para mag-aral: ‘He deserves to enjoy being 16’
Natanong ni Ogie si Bimby kung nag-feeling hopeless na ba siya sa health condition ng kanyang nanay na ilang taon nang ginagamot sa kanyang mga sakit.
View this post on Instagram
“Hindi ako Diyos, I can only do so much to alleviate her, to help her. Pero, at the end of the day, I can’t fully take it away, ‘di ba? Kasi tao lang ako, tao lang si mama,” ang pahayag ng anak nina Kris at James Yap.
Sabi pa ni Bimby, mas pinatatatag sila ni Kris ng kanilang pananampalataya kay Lord, “After acceptance, you learn to surrender lang. All I can do is love her, support her, take care of her.”
Nagpapasalamat din si Bimby sa Panginoong Diyos dahil hanggang ngayon ay kasama pa rin niya ang kanyang nanay na patuloy na lumalaban para gumaling sa kanyang autoimmune diseases.
Baka Bet Mo: Kris pinatawad na si Mel Sarmiento; muling nag-sorry kay P-Noy
“Other people, they only get to spend 10 years — five years with the person they love the most. Suwerteng-suwerte na ako na 17 years with my world, my universe.
“Whatever God gives us, blessing na ‘yun. When we learned about mom’s illness, it took me a few years to really accept. After acceptance, you learn to surrender lang,” pahayag pa ni Bimby.
View this post on Instagram
Pagpapatuloy ni Bimby, “That’s the best thing that I hear everyday, ‘yung laugh ni Mama, and the feeling that I have when I am with my mom is indescribable, eh.
“I really can’t explain how much I love my mom, above my words na ‘yan eh,” sey pa ni Bimb.
Umaasa si Bimby na darating din ang araw na gagaling at makaka-recover din ang kanyang nanay mula sa mga karamdaman nito.
“Fighter kasi si Mama, eh. Tsaka all my titas really take the time to talk to me. There are those moments na parang naaawa ka na nang sobra kay Mama but I know na kaya ‘to ni Mama,” sabi pa ni Bimby.
Patuloy pa ni Bimb, “Sinasabi ni Mama, ‘I will fight for you and your brother. Kasi you two are my world.’ Parang what she says is na, ‘ Okay, it might look like I’m getting weak, getting weaker and weaker. But no, Bimb. I will always fight for you and your kuya.'”
“There are moments na parang naaawa ka nang sobra kay Mama. But I know that kaya ‘to ni Mama. Alam ko iyon, wala lang ‘to kay Mama,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.