Kris Aquino ramdam ang epekto ng bagong bakuna

Kris ramdam ang epekto ng bagong bakuna; Mark pinuri sina Josh at Bimby

Ervin Santiago - June 10, 2024 - 07:50 AM

Kris ramdam ang epekto ng bagong bakuna; Mark pinuri sina Josh at Bimby

Mark Leviste, Kris Aquino, Joshua at Bilmby

NAG-SHARE ng ilang updates tungkol sa kundisyon ng kalusugan ngayon ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang Vice Governor ng Batangas na si Mark Leviste.

Ayon kay VG Mark, wala raw siya sa posisyon para magsalita about Kris’ health condition pero palagi raw silang nag-uusap kahit narito siya sa Pilipinas.

Ang tangi lang niyang masasabi ay nagpabakuna raw si Kris kamakailan, “To be honest, I’m not at liberty to discuss her current condition. Madalas naman po ay ina-update tayo ni Kris through her social media.

Baka Bet Mo: Lolit Solis botong-boto kina Kris Aquino at Mark Leviste: Sana ito na ang matagal niyang hinihintay

“Although kanina, kami ay magka-text at siya po ay nagpapahinga dahil siya po ay nagpabakuna kamakailan at ramdam pa po niya ang epekto ng gamot o ng bakuna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“Kung kaya’t siya po ay nagpapahinga sa mga oras na ito,” ang pahayag ni Mark sa panayam ni Gorgy Rula sa DZRH kamakailan. Hindi nito nabanggit kung para saan ang vaccine na itinurok kay Kris.

Samantala, nabanggit din niya na napag-usapan din nila ni Kris ang kanyang political plans. May balitang tatakbo siyang governor ng Batangas next year.

“Even before my intention to prepare for the governorship, lalo na pag nandu’n po ako sa America, napapag-usapan po namin ang kanyang mga pananaw at iba-ibang ideas at adbokasiya tungkol sa public service at governance.

Baka Bet Mo: Mark Leviste ginampanan ang ‘Tito duties’ kay Kuya Josh, netizens natuwa sa bonding moment ng dalawa

“Alam naman natin si Kris ay galing din sa political family. Ang kanyang mga magulang ay hindi pangkaraniwang pulitiko.

“Sila po ay nakapag-ukit ng kasaysayan sa ating bansa, sa ating buhay, at sa ating lipunan. Ganu’n din po ang kanyang kapatid, ang dating yumaong pangulong Noynoy Aquino.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“So, hindi naman po bago kay Kris ang pulitika at ako ay nagpapasalamat nang marami po akong natutunan sa kanya.

“She is very inspiring, she inspires me, and she continues to motivate me in my work as a public servant and manatiling tapat sa aking sinumpaang tungkulin, ganundin sa watawat,” sey pa ni VG Mark Leviste.

Natanong din siya kung kumusta na ngayon ang puso niya, “Ang laman ng aking puso ay full of love, love, love.”

Mas naging close pa raw siya ngayon sa mga anak ni Kris na sina Josh at Bimby, “Unang-una, madaling magustuhan at mahalin ang mga anak ni Kris. They are two of the sweetest, most adorable and loving people that you will ever meet in your life.

“Iba po ang kanyang ugali, una si Josh ay alam naman po natin ay nasa autism spectrum at siya po ay itinuring na special child, ganu’n pa man napakalambing ng bata na talagang walang masamang tinapay sa kanyang pagkatao.

“Si Bimb naman is one of the most selfless beings that I’ve ever met, seeing and witnessed in my life.

“Talagang ibinigay niya po ang kanyang buhay at buong pagmamahal sa kanyang ina. At siya po ay pangunahing tagapag-alaga sa kanyang ina habang sila ay nasa Amerika, nagpapagaling sa Estados Unidos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi naman po mahirap na magustuhan at lalong higit mahalin yung dalawang anak ni Madame. Mahal na mahal ko ang bata,” sey pa ni Mark Leviste.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending