Mark Leviste ginampanan ang 'Tito duties' kay Kuya Josh, netizens natuwa sa bonding moment ng dalawa | Bandera

Mark Leviste ginampanan ang ‘Tito duties’ kay Kuya Josh, netizens natuwa sa bonding moment ng dalawa

Therese Arceo |August 17,2023
facebook
share this

Mark Leviste ginampanan ang ‘Tito duties’ kay Kuya Josh, netizens natuwa sa bonding moment ng dalawa

Therese Arceo - August 17, 2023 - 08:34 PM

Mark Leviste ginampanan ang 'Tito duties' kay Kuya Josh, netizens natuwa sa bonding moment ng dalawa
MASAYANG nag-bonding ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Kuya Josh kasama ang Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Ibinandera ng vice governor ang kanilang masayang kulitan sa kanyang Instagram account nitong Miyerkules, August 16.

Makikitang nagpunta ang dalawa sa indoor adult playground kung saan makikitang enjoy na enjoy si Kuya Josh sa pagtaling habang malapit naman si Mark upang alalayan ito.

“🤸🏻‍♂️🤸🏻‍♂️ #Beshie #JohuaAquino #JoshAquino #TitoDuties #KidsAtHeart #JumpForJoy #SkyZone,” caption niya sa kanyang post.

Maliban sa pagtalon sa trampoline ay nag-enjoy rin sina Mark at Josh sa pagba-basketball at sinubukan rin nila ang massage chair matapos ang kanilang paglalaro.

Agad na pinusuan ng mga netizens ang naturang post at naantig ang kanilang puso sa closeness nila ng panganay ni Kris.

Baka Bet Mo: Kris ibinuking ang mga dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Mark: ‘Nararamdaman kong hindi siya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“BLOOD doesn’t always make a man a dad, being a DAD comes from the heart. . kudos to you VG [Mark],” saas ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “”Hindi lng po si miss Kris ang minahal nyo sir VG Marc pati mga anak niya patunay ito Ng Inyo totoong pagmanahal pra ky madam Kris..Kaya masaya kmi mga fans ni miss Kris SA wakas nkatagpo ndin sya Ng pagibig SA katauhan niyo”

“You fill in what the big man doesn’t have, and looks like he is loving, enjoying your company. Salute to you ML [Mark Leviste],” sey naman ng isa.

Bago ang kanilang bonding moment ay may nauna na siyang post ng kanilang larawan together.

“Mahal kita,” caption ni Mark sa kanyang post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Mark Leviste nagbigay ng update sa sakit ni Kris, inilarawan ang lagay ng kanyang puso: ‘Hindi lang happy, full of love, love, love!’

Kris Aquino grateful kay Mark Leviste, pangako sa mga Batangueño: Hindi ko na po sya gagambalain para yung FOCUS nya inyong inyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending