Mark Leviste kay Kris Aquino: ‘Thank you My Love for loving, taking care of C2 like your own’
KAHIT halos dalawang buwan na mula nang maghiwalay, nananatili pa ring magkaibigan sina Batangas Vice Governor Mark Leviste at Queen of All Media na si Kris Aquino.
Sa katunayan nga ay super thankful si Mark kay Kris dahil nagsilbi itong ina para sa kanyang anak na si C2.
Sa Instagram, ibinunyag ng politician na kasalukuyang naninirahan ang kanyang anak kasama si Kris at ang mga anak nito na sina Josh at Bimby sa Orange County, California na kung saan isinasagawa ang medical treatments ng TV host-actress.
Kasabay niyan ay ipinasilip din ni Mark ang pamamasyal nina C2, Bimby at Josh sa Disneyland kasama ang ilang mga kaibigan.
“I’m glad to see [C2] getting along well with the Aquino Bros [and] friends,” caption niya sa IG.
Baka Bet Mo: Anak ni Mark Leviste ‘mommy’ na ang tawag kay Kris Aquino, seryosohan na nga ang relasyon
Pagbubunyag niya, “Presently, C2 lives with [Kris] and the boys in Orange County, while I’m back in the [Philippines].”
“According to TK (Tita Kris), they’ve been developing a tight bond and making special memories everyday,” dagdag niya na tinutukoy ang kanilang mga anak.
Aniya pa, “And of course thank you ML (My Love) from the bottom of my heart for loving and taking care of C2 like your own—there’s nothing more magical than that.”
View this post on Instagram
Maraming netizens naman ang kinilig sa post ni Mark at ilan sa kanila ay hiniling na magkabalikan sana ang dalawa.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Your sincerity and willingness to wait makes it all worth it. Thank you po VG! Praying and looking forward po na magkabalikan kayo…”
“This post made my day VG @markleviste! Love everything you post on instagram especially when it’s related to @krisaquino and family!”
“Seeing these pics with her kids and yours means that your love for her is constant [happy face emoji] Hope to see you back together again [yellow heart emoji].”
Matatandaang nitong June lang nang aminin ni Mark ang kanilang relasyon.
Ngunit makalipas lang ng ilang linggo ay inanunsyo naman ni Kris ang kanilang paghihiwalay at inaming may mga pagkakataong hindi sila magkaintindihan.
“If we had tried to stay together as a couple the ending would still be the same, tao rin ako na mapipikon at magtatampo dahil mararamdaman kong, hindi ba niya naisip ang hirap na pinagdaanan ko?” pagbabahagi ni Kris.
Related Chika:
Lolit Solis botong-boto kina Kris Aquino at Mark Leviste: Sana ito na ang matagal niyang hinihintay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.