Kris ibinuking ang mga dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Mark: 'Nararamdaman kong hindi siya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon' | Bandera

Kris ibinuking ang mga dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Mark: ‘Nararamdaman kong hindi siya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon’

Ervin Santiago |July 18,2023
facebook
share this

Kris ibinuking ang mga dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Mark: ‘Nararamdaman kong hindi siya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon’

Ervin Santiago - July 18, 2023 - 10:44 AM

Kris Aquino sa breakup nila ni Mark Leviste: 'Nararamdaman kong hindi siya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon'

Mark Leviste, Kris Aquino, Joshua at Bimby

INISA-ISA ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang mga dahilan kung bakit nagdesisyon siyang tapusin na ang relasyon nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Nag-post kagabi, July 17, si Kris sa kanyang Instagram account ng litrato niya kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby kalakip ang mahaba niyang mensahe about her lovelife.

Ang caption ni Kris sa kanyang IG post, “Kuya isn’t wearing a turban, that’s my sleep mask… The reasons i refuse to give up… and the TRUTH i owe you (i forgot to say thank you in the art cards to marc @markleviste for staying until bimb was a day away from finishing his medicine).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Sa dalawang notes na kalakip ng photo nilang mag-iina, nag-explain ang TV host-actress tungkol sa naunsiyami nilang love story ni Mark na humantong nga sa tuluyang paghihiwalay na ikinagulat ng kani-kanilang pamilya, mga kaibigan at mga tagasuporta.

“I gave you a cleansed version of why I ended my relationship with Marc. I didn’t lie when I said a long distance relationship is difficult.

“BUT I saw he has many dreams left to fulfill and many obligations to the people who gave him their vote.

Baka Bet Mo: Mark Leviste nagbigay ng update sa sakit ni Kris, inilarawan ang lagay ng kanyang puso: ‘Hindi lang happy, full of love, love, love!’

“Sadly, I’m in the battle of my life precisely because I’m doing all I can to save my life because my 2 sons still need me,” simulang pagbabahagi ni Kris sa kanyang IG followers.

Inamin din niya na tao lamang siya at hindi raw niya kayang tingnan na habang nagdurusa siya ay nag-eenjoy naman si Mark sa kanyang buhay.

“I’m realistic enough that Marc has a life beyond trying to help take care of me. I apologize for seeming selfish but why I will add stress in my life when I see his posts enjoying himself when I am suffering 8,000 miles away?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“If we had tried to stay together as a couple the ending would still be the same, tao rin ako na mapipikon at magtatampo dahil mararamdaman kong, hindi ba nya naisip ang hirap na pinagdaanan ko?” pahayag pa ni Kris.

Ngunit sa kabila nito, siniguro naman ng TV host na hindi siya magsasalita ng anumang kanegahan tungkol kay Mark, “Kaya minabuti ko nang sa akin nang manggaling kasi nakita at nararamdaman kong hindi sya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon kasama ang isang babae na tinatanggap ang realidad na yung buhay nya ngayon ay pinahiram na oras lamang ng Diyos.

“Pareho kaming may karapatan na mabuhay sa paraan na pinaka-payapa ang mga puso namin.

“I’m keeping my word that he will never read nor hear me saying anything negative about him because what for. We’re not enemies, we just weren’t meant for each other,” mensahe pa niya.

Sa comments section, nag-iwan naman ng mensahe si Mark, aniya, “Love, love, love you-all (three yellow heart emojis).”

Kris Aquino grateful kay Mark Leviste, pangako sa mga Batangueño: Hindi ko na po sya gagambalain para yung FOCUS nya inyong inyo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis botong-boto kina Kris Aquino at Mark Leviste: Sana ito na ang matagal niyang hinihintay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending