Kris Aquino hindi kayang makipag-LDR; Mark Leviste walang balak sukuan ang pag-ibig: ‘Love is patient, love is kind, love never fails’
ILANG linggo pa lamang ang nakararaan nang aminin ng Queen of All-Media na si Kris Aquino ang tungkol sa tunay na relasyon nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.
Sinabi ni Kris sa kanyang Instagram post dalawang buwan na ngayon ang nakararaan na hindi niya inaasahan na mai-in love siya kay Mark, bigla na lamang daw dumating ang araw na na-develop na siya sa kanyang kaibigan.
Ngunit kagabi nga ay ibinandera ni Kris na nakipaghiwalay na siya sa vice governor bago ito umuwi sa Pilipinas. Sabi ng TV host-actress hindi raw talaga uubra sa kanila ang LDR o long distance relationship.
Sabi ng nanay nina Joshua at Bimby, dahil sa kasalukuyan niyang kondisyon ngayon mukhang hindi talaga magwo-work ang relasyon nila ng politiko lalo pa’t may mga obligasyon at responsibility pa ito sa mga taga-Batangas.
View this post on Instagram
Nito lamang June 16 ay isinapubliko rin ni Mark ang relasyon nila ni Kris habang sila ay magkasama sa Los, Angeles, California para bantayan at alagaan ang aktres.
Tumagal ng ilang linggo ang pagbabakasyon ni Mark sa Amerika para na rin magkaroon sila ni Kris ng sapat na panahon para sa isa’t isa ngunit hindi nga ito naging sapat para ipagpatuloy ang nasimulang relasyon.
Sabi pa ni Kris, hindi man nagkaroon ng “happy ever after” ang kanilang love story, marami naman daw siyang natutunan sa maikling panahon ng kanilang pagmamahalan at kahit paano ay naranasan niya muli ang magic ng mga katagang “once upon a time.”
Baka Bet Mo: Kris unti-unti nang bumubuti ang kalusugan, hindi na sobrang payat; Mark Leviste naglabas ng ‘ebidensiya’
Aniya, “I asked Marc for a pause because with my condition the way it is now, I’m self aware enough to know that a long distance relationship will be next to impossible for us to maintain.
“For the Filipinos working all over the world, I know I’m blessed to have kuya Josh & bimb with me- but most moms reading this will agree, we don’t want our kids to suffer from anxiety about our health, especially kung solo parent ka like me,” ani Kris.
View this post on Instagram
Todo naman ang pagpapasalamat ni Kris sa kanyang ex-boyfriend dahil napasaya siya nito kahit sa sandaling panahon lamang.
At hinding-hindi raw niya makakalimutan ang pagmamahal at pag-aalagang ginawa nito sa kanya pati na sa dalawang anak niyang sina Bimby at Joshua.
Samantala, nag-post naman ngayong araw si Mark Leviste sa Instagram ng isang Bible verse na pinaniniwalaang patungkol sa paghihiwalay nila ni Kris.
Mula ito sa 1 Corinthians 13:1, “LOVE IS PATIENT, LOVE IS KIND.
“It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others. It is not self-seeking, it is not easily angered.
“It keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth.
“Love bears all things, believes all thing, hopes all things, endures all things. LOVE NEVER FAILS.”
Kasalukuyan pa ring nasa US si Kris para sa tuloy-tuloy na pagpapagamot ng kanyang autoimmune diseases. Aniya, matatagalan pa raw siya roon upang mabantayang mabuti ng mga doktor ang kanyang health condition.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.